Chapter 63

1.5K 60 9
                                    

Kinabukasan ay maagang nagising sila Elmo at Julie.Dahil sa gabing iyon gaganapin ang kanilang Mini-Concert ay nasasabik na sila at todo ensayo.Habang nagme-Make up si Julie at kinakabisado ang mga kakantahin,kinuha ni Elmo ang susi ng kotse.

Elmo: Baby,alis muna ko.*Inakap ang balikat ng dalaga habang nakaupo ito*

Julie: Where are you going??

Elmo: Uhh..Mag order ako ng Food natin.

Julie: Eh bat kailangan mo pang mag order sa labas eh pwede naman tayo magpa-Deliver??

Elmo: Wala lang..Gusto ko lang.Sige na.Alis na ko.*lumakad papuntang pintuan*

Julie: Food talaga huh?? Lagot ka sa akin kapag nalaman kong hindi Chicken ang sasadyain mo kundi chicks!!

Lingid sa kaalaman ni Julie,lumabas si Elmo para bumili ng mga bagay na ibibigay niya sa Dalaga.Nang makabili ng pagkain nila ay umuwi na ito at nagsalo sila.Nanatili ang paghihinala ni Julie sa kilos ng Binata dahil mukha itong balisa at pinagpapawisan.

Julie: Hoy! Magsabi ka ng totoo.Saan ka pumunta?

Elmo: Huh? Edi bumili nga ng pagkain.Ano bang iniisip mo?

Julie: W-wala!! Galingan mo lang talaga magtago!!!

Elmo: Hmm.. Wala kong ibang pinuntahan kung iyon ang iniisip mo.Tsaka sabi mo okay lang sayo kung may iba kong magustuhan?

Julie: Hahahaha! Oo nga! sinabi ko nga!Tsaka di naman tayo mag-On kaya you're free to do what you want.And it also means na wala akong karapatang magkaganito! Ano ba,Julie?! Haist!

Elmo: Exactly. I really love to tease her! Hahaha.Hindi pala nagseselos huh??

Julie: Talagang Exactly! Mauna na ko sayo dahil mag-Brush pa ko ng Teeth and mag Vocalize.Okay?*Lumakad papuntang kwarto nito*

Hindi nag imikan ang dalawa hanggang sa pagsakay nila ng kotse papuntang Concert Venue.Isang oras bago mag umpisa ang programa ay naroon na sila upang plantsahin ang iba pang detalye na kailangan nilang masiguro bago sila mag simula.

Dumating na ang oras na pinakahihintay ng lahat.Umpisa na ng Concert at bago pa sila sumampa sa entablado ay nag dasal muna ang Dalawa.Naghawak sila ng kamay at naramdaman ni Julie na kinakabahan si Elmo dahil namumutla ito at pinagpapawisan ang kamay.Kaya naman niyakap niya ito at pinalakas ang loob.

Julie: *yakap si Elmo at tinatapik ang likod* Kaya mo yan.Let's do our best! Make us Proud!

Elmo: *tumango* Let's get it on!!

Umakyat sila ng entablado at lumabas mula sa likod.Nagulat sila sa nakita.Hindi makapaniwala ang dalawa sa dami ng taong manunood.Panay ang tilian ng mga ito dahil nakita nilang magkahawak ang kamay ng dalawa.Agad na nagsalita si Julie sa mikropono.

Julie: Woow!! Guys!! Thank you so much for coming! Uhhmm..Bago tayo mag start,gusto ko sanang humiling sa inyo.Pwede ba natin i-Cheer si Elmo??

Crowd: Yes!!We love you!! JULIELMO!!

Julie: Okay! Let's make him feel our warmest cheer! Let's shout his name! ELMO! ELMO! ELMO! ELMO!

Sumunod ang crowd at bukod sa pagsigaw ng pangalan ni Elmo ay sinabayan nila ito ng nakabibinging hiyaw dahil hindi nila mapigilan ang nag uumapaw na kilig na kanilang nadarama mula sa kaibuturan ng kanilang puso.

Sa Mini-Concert na iyon ay inawit ni Julie Anne ang Roar,Officially Missing you,If I aint got you,at Look at me now.Habang si Elmo naman ay umawit ng Give me love,Little things,Chasing cars,at Out of my league.At dahil nais nilang gawing espesyal ang pagtatanghal,Nag-Duet ang dalawa sa pagkanta ng Got your back at All I have.Humanga ang lahat sa Rapping skills ni Elmo na namana niya sa kanyang Ama.Maski si Julie ay hindi makapaniwala sa husay nito.Tila nawala ang takot nito sa mga tao ng hawakan nito ang mikropono at nag umpisang umawit.

Flying kiss (Julielmo Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon