Chapter 91

1.3K 52 16
                                    

Tila tumigil ang oras at pag ikot ng mundo.Ang kamakailan lang na paksa ng isang biruan ay biglang nagkatotoo.Tama.Magkasama sila ngayon ni Elmo sa iisang kwarto.Sa mismong kwarto kung saan siya lumuha at sa mismong bahay kung saan sila nangarap para sa kanilang kinabukasan.

Hindi na napigilan ni Julie ang lapitan si Elmo.Hinarap niya ito sa kanya at pinipilit na gisingin.Kinapa niya ang pisngi nito at noo at tinanggal ang nakabalot na kumot.Nakapapaso ang init ng katawan nito.

"Julie..Please..Dito ka lang..wag ka ng aalis.."

Tumutulo ang luha nito habang sinasambit ang mga katagang iyon.Doon niya na lamang muling nakita ang luha mula sa mga mata ng lalaking minamahal niya.Tila mayroon itong mahika na nakapag patunaw sa kanyang puso.Pinunasan niya ang mga luha nito at hinalikan ito sa Noo.

Agad siyang kumuha ng malamig na tubig,Ice bag,At iba pang kakailanganin nito sa pagpapahupa ng temperatura ni Elmo.Pinunasan niya ng basa at malamig na bimpo ang Mukha,leeg,at braso ni Elmo.Hanggang sa kinailangan niya ng hubarin ang Pang itaas nito.

"Sa lahat ng Depressed ikaw ang may panahon mag gym??Paano mo na maintain ang Figure mo? Hayy..Anyway,Di naman na bago sa akin yan"

Pinunasan niya ang katawan nito at pinalitan ang suot nitong Tshirt.Hirap na hirap siya dahil tulog pa rin si Elmo at ayaw gumising.Hanggang sa naisipan niyang takpan na lamang ng isang kamay ang kanyang mga mata habang pinapalitan ang pang ibaba nito.

At dahil kinailangan ni Julie na magluto,bumaba siya sa kusina at naghanap doon ng mga sangkap.

Ilang oras pa ay inakyat na ni Julie ang Lugaw na niluto para kay Elmo.Inilapag niya ang pagkain sa Side Table at kinapa ang noo nito.Mabuti na lamang at bumaba na ang temperatura nito.Kinalabit niya ang binata ngunit hindi pa rin ito magising.Kaya naman niyugyog niya ang pisngi nito tulad ng ginagawa niya dati.

" Moe..Elmo..Wake up..."

Unti-unting dumilat ang mga mata ng Binata.Nung una'y malabo ang kanyang nakikita.Boses lamang ang kanyang naririnig.

"J-Julie?? I-Ikaw ba yan??Nananaginip lang ako..Mamatay na ba ko?"

Sinampal ni Julie si Elmo ng di gaano kalakasan upang matauhan ito.

Elmo: OUCH! Ano bang prob--

Julie: Siraulo ka! May pa Mr. Moon ka pang nalalaman,Magalona! Liligawan mo lang ako magpapanggap ka pang iba.Ayaw mo pang magpakilala huh? Excuse me! Sinong niloko mo?

Elmo: Ano bang sinasabi mo? Tsaka bat ka ba nandito??

Julie: Up in the skies, I look very carefully to see your face. I wonder if you're there, I wonder if tonight you're thinking of me. I just want to tell you that looking at the stars makes me think of you. By looking at it I just want to be where you are, and hold you tight and never let go. I was looking for the man who wrote that.Wag mo ng i-Deny..Okay?? Mismong Vice President mo na ang nagturo sayo.

Elmo: Anak ng...Tito Alex!!! Hindi kita nililigawan.Dahil bago kang Endorser ng Shirt namin,kailangan ma-familiarize ka sa mga Designs.Basta! Dun!

Julie: Pff.Defensive! Okay! Fine! Binibiro lang kita dami mo namang sinabi.

Kinuha ni Julie ang nilutong lugaw para kay Elmo.Naglagay siya sa kutsara at hinipan ito.

Julie: Oh! Kumain ka na! Nganga!

Elmo: Ako na..Kaya ko ng kumain mag isa..

Julie: Pwede ba?! Wag ng matigas yang ulo mo! Buksan mo yang bibig mo at kainin mo ang isusubo ko!!

Flying kiss (Julielmo Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon