Chapter 26

1.7K 34 0
                                    

Matapos kumain sa Park kasama si Jayvee ay nagdesisyon na silang umuwi.Parehong naligo at nag Toothbrush ang dalawa bago humiga sa kama.

Jayvee: Anong oras darating si Ate?

Elmo: Baka umagahin na yun.Wag mo na hintayin.

Jayvee: Paano siya uuwi? Sasamahan siya nung lalake?

Elmo: I think so.

Jayvee: Puntahan na lang natin siya!

Elmo: Naku mapupuyat ka lang.Darating din yun.

Jayvee: Hindi mo ba nakikita?! Inaaagaw sayo ni Pink guy si Ate!

Elmo: Hindi ko pag aari si Ate Julie mo.Tsaka pinsan ko si Pink Guy.

Jayvee: Kaya payag ka?

Elmo: Jayvee, may mga bagay na dapay hayaan mo na lang para walang gulo.

Jayvee: Ibig sabihin.. kung hinayaan na lang ni Mommy ang Dad ko sa iba..Sana buhay pa siya.

Elmo: Hindi ko alam kung anong isasagot ko sayo.Alam mo..Naiintindihan kita,Jayvee..

Jayvee: Bakit?

Elmo: Dahil pareho tayong wala ng Mommy.5 years old din ako nung mamatay siya.

Jayvee: Hanggang ngayon ba hinahanap mo pa siya?

Elmo: Oo.Lalo na kapag birthday ko tsaka pag matutulog ako.Nasanay kasi ako na kasama ko siya.

Jayvee: Pareho tayo.Ibig sabihin magiging kapareho kita?

Elmo: Hahaha. Tingin ko kung mas magiging magalang at mabait ka, mas maraming magmamahal sayo,Jayvee.

Jayvee: Okay.

Elmo: Po.

Jayvee: Okay po.

Nakatulog na ang bata kaya naman hinayaan na ito ni Elmo.Lumabas siya at hinintay ang pagdating ni Julie.

Pauwi na si Kris at Julie.Habang nasa kotse ay napansin ni Kris na malalim ang iniisip ng Dalaga.

Kris: Is there anything wrong,Lieanne?

Julie: Wala..Well...Oo..

Kris: Pasensya ka na.Alam ko yung nangyari yun kanina.

Julie: Hindi..Hindi naman yun eh..

Kris: eh ano?

Julie: Kasi si Jayvee..Baka hinihintay niya ko.

Kris: Yung bata ba? Dont worry.Malamang tulog na yun dahil Late na masyado.

Julie: Naku..Yari na naman ako sa Mongoloid sa bahay!! Naku..

Nakarating na sila at nagmadali si Julie na kunin ang gamit niya.

Kris: Lieanne,ako na magbubuhat niyan.

Julie: Hindi..Ako na.Exercise din to!Hahaha.

Kris: Ikaw ang bahala.Paano? Alis na ko.

Julie: Uhmm.. Oo.Sige.Ingat ka.Bye.

Pumasok na ng kotse ang binata at umalis.Kumatok naman si Julie sa pinto dahil naiwan niya ang Susi nito.Agad naman siyang pinagbuksan ni Moe.

Elmo: Di ka na naman nagdala ng Susi!

Julie: Nakalimutan ko eh.

Elmo: Julie,sa huling pagkakaalala ko magkasing edad lang tayo eh!Ganyan ka ba kaulyanin??

Julie: Pwede ba Elmo?! Papasukin mo muna ko ng bahay bago mo ko sabunin ng pang iinis mo!

Elmo: Oh Pasok na! Haist! Hanggang kelan ko ba titiisin ang pakikisama sa kanya?! Nakakaasar!

Flying kiss (Julielmo Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon