Chapter 37

1.5K 35 5
                                    

Sa isang halik nawala si Elmo sa sarili.Para bang nakalimutan niya ang tao sa paligid niya.Lahat sila ay mga bituin sa kalangitan habang kasama niya ang isang anghel na nangakong kailanma'y hindi siya iiwan.Yun lamang ang nasa isip niya.Hanggang sa idilat niya ang kanyang mga mata..

Elmo: Julie..I...

Naputol ang sinasabi ni Elmo ng lumapit ang mga estudyante para kunan sila ng litrato.Nagpaunlak na lamang silang dalawa.

Student 1: Ate Julie, may surprise po kami para sa inyo.

Julie: Oh? Katatapos lang namin ikasal.Dont tell me honeymoon package yan?? Hahahah

Student2: Kung pwede lang po at malaki ang fund namin eh..hahahaha

Napuno ng tawanan ang eskwelahan.Muling nilagyang ng Blind Fold ang Dalawa at dinala sa isang Booth.Pinaupo sila sa sahig at saka tinanggal ang Blind Fold nila.

Nasurpresa ang dalawa sa ginawa nila.Nag ayos sila ng La-mesa at upuan upang makapag -Date ang Dalawa.Ginawa nilang soundproof ito upang makapag usap ng masinsinan ang Dalawa.Pinatay ng mga estudyante ang ilaw at lalo nilang nagustuhan ang Setup na ginawa para sa kanila.

Julie: Ang galing naman nila.. Sobrang Creative ng mga yun! Kainis! Paano nila natago sa atin to? Hahaha.

Elmo: Syempre mana sila sa akin kaya ganun! Hahaha

Julie: Yabang! Hahaha. 

Elmo: Julie...

Julie: Oh?

Elmo: Yung kanina....uhmm..

Julie: Naku! Alam ko na yang sasabihin mo..Dont worry! Di ko seseryosohin yun.Alam ko naman na ginawa mo lang yun para maging masaya sila.Ikaw pa? Eh alam ko naman na may natitipuhan ka ng iba.

Elmo: Ahh.. Oo! Ang galing mo talaga! Tsaka di naman kita type no! ano ka ba? Hahaha Haist!Di ko na alam gagawin ko!Ano ba Elmo??! Di ka naman ganito kay Janine ah?!

Julie: I know.Dont worry! Ayoko rin naman sayo tsaka may Boyfriend na ko di ba? Hahaha

Elmo: Oo nga...Mahirap dahil kay Kris.Bakit ba kasi ikaw pa,Julie?Hanggang kailan ako magkakaganito? 

Julie: Moe? Okay ka lang?

Elmo: Ahh.. Oo naman. Ano? Kumain na tayo?

Julie: S-sige..

Kumain ang Dalawa at ng matapos ay nagpasyang pumunta ng Dance Booth.Maganda ang Light Effects at Sound system na inayos ni Elmo.Lumapit ang Binata kay Julie at inaya itong sumayaw.

Elmo: Siguro naman pwede kitang isayaw?

Julie: Sige na nga!baka umiyak ka eh.. Hahaha

Isiniyaw ni Elmo si Julie.Hinawakan niya ang bewang nito habang ang mga kamay naman ni Julie ay nasa braso niya.Bago sila sumayaw ay hindi pa malumanay ang kantang pinapatugtog.Ngunit ng nag umpisa silang sumayaw ay bumagal ang kanta.Pinatugtog nila ang kantang When I met you na isa sa mga paboritong kanta ng ina ni Elmo nung nabubuhay pa ito.

Inilapit ni Elmo ang kanyang bibig sa tenga ni Julie at bumulong sa Dalaga.

Elmo: Ang ganda nung Song no?

Julie: Yeah.Sobra..Siguro sobrang in love yung Composer ng song na to.

Elmo: Favorite song to ng Mommy ko.Nababaduyan pa nga ko sa kantang to dati eh.Hahaha

Julie: Ang ganda kaya ng Meaning nung Song.

Elmo: Well I just realized the meaning of this song... Now that you're with me..When I met you..

Flying kiss (Julielmo Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon