Chapter 79

1K 42 5
                                    

Gabi na ng magising si Elmo at hanapin ang kanyang Cellphone.Nakita niya ang napakaraming Text Messages at Tawag mula sa Nobya at kay Kris.Halatang nag alala si Julie sa kanya kaya naman agad siyang naligo at nag ayos ng sarili.Pagkabukas niya ng pintuan ng kanyang kotse ay nakatanggap siya ng isang tawag mula sa Manager ni Julie.

M.Chelly: Hello? Elmo?

Elmo: Yes,Mother Chelly! Napatawag po kayo?

M.Chelly: Pwede ba tayong magkita?May lakad ka ba?

Elmo: Uhh.. Papunta po sana ko sa Condo ni Julie.Bakit po,Mother?

M.Chelly: Good thing tumawag ako.Wala si Julie sa Condo niya.He's with Sam right now.

Elmo: Okay! Sam na naman.. Ah ganun po ba? Buti na nga lang.Sige po.Let's have Dinner together.

M. Chelly: Great! Meet me sa restaurant na ite-Text ko sayo and one more thing.. Wag mo ipapalam kay Julie ito.Okay?

Elmo: Yes,Mother.See you.Bye. Bakit ayaw niyang malaman ni Julie?Hay nako! Baka nagsumbong na naman si Julie kay Mother Chelly! Kainis!

Pagkatanggap ni Elmo ng mensahe mula sa Manager ni Julie ay agad niyang pinuntahan ang nasabing Restaurant na kinaroroonan nito ngayon.Pagdating ni Elmo ay agad niyang nakita si Manager Chelly na nakaupo at umiinom ng Wine.Pinaupo siya nito at pinapili ng makakain.At ng matapos sila sa pagkain ay uminom sila ng Wine.

M.Chelly: Moe,kamusta naman ang Work mo?

Elmo: Uhmm Okay lang po.Mababait naman ang mga Boss ko dun ang katrabaho.

M.Chelly: Ilang taong pa ba bago ka maka-Graduate?

Elmo: Matagal pa po,Mother! Hahaha. *uminom ng wine*

M. Chelly: Elmo, I'll be honest to you right now.Alam mong bilang Manager ni Julie,Career niya ang Number One Priority ko.Sabay kaming nangarap ng mataas para sa kanya.Kaya sa lahat ng mga nag asam mag artista siya ang napili ko dahil alam kong mamahalin niya ang trabaho niya.

Elmo: Alam ko po yun,Mother.

M. Chelly: Elmo,nag uumpisa na siyang iwagway yung wings niya at dahil yun sa movie na gagawin ni Julie.Alam mo bang may ka-Loveteam na ngayon si Julie?And it turns out na kinakagat ng masa kung anong meron sila ngayon.

Elmo: Kagabi ko lang nalaman,Mother.She kept it for so long at sa ibang tao ko pa nalaman.We're not in good terms right now.

M. Chelly: I see..Elmo,mahal mo ba si Julie?Lahat ba kaya mong gawin para sa kanya?

Elmo: Oo.I'm willing to do everything for her.

M. Chelly: Sige.Panghahawakan ko lahat ng sinabi mo.By the way,ito yung location ng Meet together nila sa mga Fans tonight.*inabot ang isang papel* Good night.

Elmo: Thank you,Mother.Good night.Ingat po kayo sa pag uwi.

Nauna ng umalis si Elmo upang tuntunin ang kinaroonan nila Julie ngayon.Mabuti na lamang at may nakita siyang batang lalaki na nagtitinda ng Rosas at binili niya ito lahat.Nang makarating siya sa nasabing lugar,naabutan niyang kumakanta si Julie at Sam sa harap ng napakarami nilang Fans.Panay ang hiyawan nila at sigawan habang siya ay nakatanaw lamang mula sa likod.Kitang kita sa mata ng Dalawa na masaya sila sa pagtangkilik ng kanilang mga taga-Hanga.Ngunit ang ikinagulat ni Elmo ay ng lumapit si Sam kay Julie ng matapos silang umawit at hinawakan ang kamay nito.Nag iba ang pakiramdam ni Elmo ng mga oras na iyon at mas lalo pang lumala ng nakita niyang humalik sa pisngi ng kanyang Nobya ang kapareha nito.Mayamaya ay nagsalita na ang Dalawa upang mag pasalamat sa kanilang mga Fans at para magpaalam at saka siya naghintay sa lalabasan ng Dalawa.

Flying kiss (Julielmo Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon