Chapter 84

1.3K 44 8
                                    

Kinabukasan,nagkaroon ng Audution ang Miss Saigon at pinadalhan si Sam at Julie ng sulat.Paanyaya ng pakikilahok sa kanilang paghahanap ng bagong gaganap sa mga karakter nito.Ito ang matagal ng pinapangarap ni Julie.Kaya naman nagmadaling pumunta si M.Chelly sa Dressing Room kung saan naabutan niyang nag uusap ang dalawa ng masinsinan.

M.Chelly: What's goin on? Ba't ganyang yang mukha mo,Ms.San Jose??Para kang binagsakan ng moon and back! Hahaha.

Julie: Mudra naman eh!Benta sa akin yun!*naiyak at pinipigil ang tawa* Kasi naman!

M.Chelly: Buntis ka ba?!Hoy loka! Ibabato ko sayo tong sulat na to!?Ano ba??

Sam: Mother..Nag Break sila.

M.Chelly: Oh talaga? Nag away na naman kayo? What's new?? Di ka marunong madala eh!

Julie: Mother,ako naman ang may kasalanan.Napagsalitaan ko siya ng di maganda kaya nasabi niya yun.Im sure babalik pa siya.

M.Chelly: Ahh..So hanggang kailan ka niya susuyuin at papaiyakin? Hay naku! Alam mo,nakakaapekto na yan sa Career mo eh! Umayos ka nga,Juls! Di ka ba nahihiya kay Sam??

Napatingin si Sam kay Julie at inakbayan ang likod nito.Ngumiti ito kay Julie at binaling kay M.Chelly ang tingin.

Sam: Mother,Okay lang po sa akin yun.Ako ang lalaki eh..So you guys dont need to worry about me.Okay?

M.Chelly: Hay nako Sam! Sana ikaw na lang..Anyway,you might want to stop that nonsense drama and read this letter.*iniabot kay Julie ang sulat*

Julie: Ano yan? Resignation letter?? Iiwan mo na ko??

M.Chelly: Oo! Sumasakit na ulo ko sayo eh! Hahaha! Loka!Sulat yan galing sa Team Saigon! Priority kayo sa Audition ni Sam..Awesome?? Right??

Julie: *binasa ang sulat at naluha habang nakangiti* Oh my god!!! Totoo to?? Di nga??? Oh my!!

M.Chelly: Baka gawa-gawa ko lang yan?Malamang Oo! Jusme! Sa Sunday yan kaya may Time ka pang lumakad ng paluhod sa quiapo! Manalangin ka na sa lahat ng Santo.Good luck sa inyo!

Hindi na napigilan ni Julie ang sarili at napayakap na siya sa kanyang Manager.Tuwang tuwa ito dahil binigyan siya ng pagkakataong matupad ang pangarap.

M.Chelly: Tandaan mo! Once in a lifetime lang ang opportunity na to.Please! Pag igihan mo at isantabi mo muna yang personal life mo.

Tumango na lamang si Julie kahit na alam niya sa sarili niya na hindi niya kayang gawin iyon.Naalala niya ang isa sa mga pangako nila ni Elmo sa isa't isa,Ang abutin ang kanilang mga pangarap ng sabay.Ngunit sa pagkakataong iyon ay iniisip niya kung paano ito sasabihin sa Nobyo na hanggang ngayon ay galit pa rin sa kanya.

Panay ang tawag nila Derrick at Enzo kay Elmo dahil hindi ito pumasok ng opisina.Nag aalala sila sa nangyari kahapon sa kaibigan nila at sa kung anong maaring isipin ng Nobya nito na si Julie.Sa halip na maghintay ng sagot ni Elmo ay nagpasya silang dalawa na dalawin ito pagkatapos ng trabaho.

Nang makarating sila Enzo,Louise,at Derrick ay naabutan nila ang Elmo na nakahilata sa sahig at mga nakakalat na bote ng alak.Agad na niligpit ni Louise ang mga ito at binuhat si Elmo papuntang kama at binihisan.At dahil ayaw na nilang magising ito,umalis na sina Enzo at Louise na nag uumpisa na rin magbangayan dahil sa sunod-sunod na text sa Cellphone ng Binata mula sa di kilalang numero.Ilang oras mula noon ay nagising si Elmo na masakit ang ulo at nahihilo pa.Nakita nito na malinis na ang kanyang kwarto at pinalitan ang kanyang damit.Isinagi niya ang kanyang mga mata sa Telebisyon na nakabukas saka niya nakita si Derrick na nilalaro ang kanyang Xbox.

Elmo: Ako ba talaga ang dinalaw mo o yang Xbox ko?

Derrick: Pwedeng Both? Hahaha.Hoy! Kamusta ka? Kelan ka pa naging alcoholic? Di mo naman kami sinabihan!Grabe ka! 25 Bottles nilaklak mo ng mag isa??Malaki problema mo?? Hahaha

Flying kiss (Julielmo Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon