Final Chapter

1.6K 56 10
                                    

Sa isang kabundukan,may magandang babae na umaakyat habang hawak ang isang bisig na mga puting rosas.Nakasuot ito ng puting trahe de boda na elegante ang disenyo.Ilang oras bago mamaalam ang haring araw ay naghihintay ang isang lalaki sa pagdating ng Babaeng makakaisang dibdib.Naka-puti itong kurbata na may nakadikit na Pulang rosas sa dibdib ng damit nito.

Ang lahat ay nasa tuktok na ng kabundukan at nakasuot ng magkahalong itim at pula.Inip na inip na ang mga ito sa paghihintay sa Dalaga.

"Moe,baka hindi na darating?? Baka in-indian ka na dahil sa galit! Hahaha"

Saad ng Bestman na si Kris sa kanyang Pinsan na si Elmo.Napakamot ito sa ulo at natawa ng maisip kung ano na ang nangyari kay Julie na kasalukuyang hirap na hirap sa pag akyat sa bundok kasama ang Bridesmaid na si Johanna at Yassi.

"Nakakainis!! Alam ko naman na Dream Wedding ko to! Pero Dream lang naman yun kaya madali! Haist! dapat hindi ko na lang sinabi sa kanya to eh! Grabe! Be careful what you wish for talaga!"

Tinawanan lamang siya ng kanyang mga kasama at nagpatuloy sa pag akyat.Hanggang sa makarating na sila sa kalagitnaan ng bundok.Isang oras na lamang ang nalalabi nilang panahon para marating ang tuktok ng bundok kung saan naghihintay ang kanyang mapapangasawa na nais niyang hampasin ng hawak na bulaklak sa galit.Mas lalo pang nadagdagan ang kanyang inis ng ihakbang ang kanyang sapatos at nabali ang takong.

"Oh my Gooood!!!! Nakakainis!! Ayoko na! Ayoko na talaga!! Itigil na natin to! Umuwi na tayo!"

Naiyak na si Julie sa inis habang tinatawanan lamang siya ng kanyang mga kasama.Napaupo siya sa isang malaking bato roon at nagdabog.Sa sobrang inis niya ay pinauna niya ang mga ito upang sabihin kay Elmo na umaatras na siya at sinunod naman siya ng mga ito.

"What??? Nababaliw na ba siya?? Haist!! Mag runaway talaga siya?! Grabe!"

Umalis si Elmo mula sa kinatatayuan at tumakbo pababa ng bundok upang sunduin ang kanyang Bride.

"Lord, Alam ko naman na pinahirapan ko si Moe ng matagal.Pero bakit kailangan niyang gawin to sa akin? Sign na ba to??"

Kinakausap ni Julie ang sarili ng mga panahong iyon ng may lumapit sa kanya at hinawakan ang kanyang balikat.

"Oo! Sign to na hindi magiging madali lahat.Hayy..Hanggang diyan ka lang pala,Julie Anne?? Nasaan na ba yung matapang at macho na nakilala ko? Nag-Pack up na ata."

Tumayo si Julie at hinarap ang lalaking nagsasalita.Nang makita niyang si Elmo ito ay piningot niya ang tenga nito.

Elmo  AAARRRAAAYYY!! Masakit huh!

Julie: Buti nga sayo! Ikaw kaya umakyat ng bundok ng naka-Boots at naka-Wedding Gown?!

Elmo: Hahahaha! Akala ko ba ganito ang Dream Wedding mo??Tinupad ko lang naman ang gusto ng Bride ko eh.

Julie: Kaya nga Dream lang! Haist! Di bale na! Uuwi na ko!

Lalakad na sana si Julie pababa ng bundok ng pigilan siya ni Elmo at hawakan ang kamay nito.Niyakap siya nito at pinunasan ang luhang dumadaloy sa pisngi ng dalaga.

"Tahan na,Baby..Sorry kung pinahirapan kita sa kasal natin.Akala ko kasi-- Hahaha. Alam mo mabuti pa.."

Hinubad ni Elmo ang suot niyang sapatos at itinapon iyon saka hinawakan ang kamay ni Julie.

"Let's climb this mountain together!Promise,I wont let go."

Napalitan ng ngiti ang kaninang malungkot at nauurat na muka ni Julie.Hinubad din nito ang kanyang sapatos na suot saka sila nagtawanan at magkahawak ang kamay na inakyat ang tuktok ng bundok.

Nagpalakpakan at tawanan ang mga bisita ng makarating ang Dalawa.Mula roon ay inumpisahan ang prusisyon at ang kasal.Panay ang tawanan ng mga bisita sa t'wing nag aasaran ang Dalawa.Ngunit mas maraming luha ang umagos mula sa kanilang mga mata ng magsumpaan ang Dalawa.

"Julie, Nung una tayong magkakilala,We hated each other! Lagi tayong nag aaway dahil magkaibang magkaiba tayo.I used to hate you being so messy,clumsy,tardy,sobrang dami.Pero di ko akalain na ikaw pala ang Babaeng pinapangarap ko.You always thank me for saving you.Baby,truth is..You're the one who saved me from this crazy world.Kung di kita nakilala,baka hindi ko kinaya lahat ng nangyari sa buhay ko.Ikaw ang nagturo sa akin kung paano mag mahal ng totoo at hindi ko na mahintay yung kinabukasan na gigising ako at ikaw na ang kasama ko sa mga susunod pang bukas.Mahal na mahal kita and I promise to be the same Elmo kahit na marami ka ng wrinkles at hindi mo na matamaan ang mga high notes.Pangako,magiging mabuti akong Ama sa mga magiging Anak natin.I love you so much,Julie..Forever"

Panay ang pahid ni Julie ng tissue sa kanyang mukha dahil hindi niya naiwasang maging emosyonal.Hanggang sa d na ang nagsalita.

"Moe,alam ko na madalas tayong nag aaway dahil sa kawalan ko ng Time for you.I'm sorry kung naging huli ka sa mga Priorities ko.Pero ngayong magiging Mister na kita at Misis mo na ko.."

Natawa naman si Elmo at Julie sa nasabi ng Dalaga dahil naalala nila ng magkapikunan sila dahil dito.

" Baby,alam mo naman na hindi ako sweet sayo.Mas madalas na ikaw ang nagsasabi ng I Love You at naglalambing.Ang totoo,Mahal na mahal kita higit pa sa inaakala mo.I never had a chance to Thank you for all the sacrifices na ginawa mo for me.Elmo,Thank you dahil hinintay mo yung tamang panahon..Salamat dahil hindi ka nagsawang mag hintay at kahit kailan Yes,You're right.You're my savior.My knight in shining armor.My Prince,My king,My everything.Mahal na mahal kita,Elmo Moses.

Nagpatuloy ang seremonya hanggang sa hinayag na ng pari ang matagumpay na pag iisang dibdib nila Elmo at Julie Anne.Sinelyuhan nila ng isang halik ang kanilang kasal at ng magpalakpakan na ang lahat ay bumulong si Elmo sa kanyang Asawa.

"May aaminin ako..Yung kiss nung nanaginip ka,totoo yun.Dahil ako yun at hinalikan kita habang natutulog ka.Hahaha!"

Ikinagulat ni Julie ang sinabi ng kanyang Mister at pinisil ang ilong nito.

"Kalokohan mo talaga! Pero nagkatotoo naman yung Dream ko eh.Naalala mo ba nung first time tayo umakyat sa bundok na to?First Challenge natin yun di ba? Hahaha.Sign lang siguro yun na si Elmo Moses Magalona ang Prinsipe ko! Hahaha"

Niyakap nila ang isa't isa at muling nagdampi ang kanilang mga labi.Hinawakan ni Elmo ang kamay ni Julie at nagkatinginan.

"To forever and happily ever after??"

Ngumiti naman si Julie at tumango.

"To forever,happily ever after,infinity and beyond"

Magkahawak ang kanilang kamay na lumakad pababa ng bundok at sinabuyan sila ng bulaklak.Nang ihagis ni Julie ang bulaklak ay nasalo ito ni Joyce kaya naman nagtawanan sila at kinantyawan si Kris at ikinagulat nila ng malamang dalawang buwan ng buntis si Joyce at ikakasal na pala talaga sila ngunit nagbigay daan lang sila kay Elmo dahil sa takot nitong umalis na naman si Julie.

Naging masaya ang kanilang kasal at alam nila na ito pa lamang ang simula tungo sa inaasam nilang walang hanggan at walang katapusang kaligayan..

Flying kiss (Julielmo Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon