Epilogue

2.2K 64 18
                                    

Ako si Elmo Moses Magalona,Asawa ng Sikat na Singer-Actress na si Julie Anne San jose - Magalona.Ama ng aming mga Anak na sina Jean Annalie, Five years old at Ervin Moses, Three years old at ang aming bunso na si..

"Julian Elmo."

"T-Teka..yun ba talaga gusto mo,Mommy?"

Tanong ni Elmo habang hinahaplos ang tiyan ng kanyang Asawa na ilang buwan na lamang ang hinihintay bago masilayan ang kanilang supling.

"Oo naman! Ang Cute kaya ng Elmo.Kaso pinag iisipan ko rin eh.Kasi baka maging masungit siya tulad ng Daddy niya.Hahaha"

Patuloy sa asaran ang mag asawa ng lumapit sa kanila ang Dalawa nilang anak at pinipilit ang kanilang Ina na bilhan sila ng Ice Cream.

"Jaja and Em-em..Di ba sabi ko naman sa inyo wag muna mag Ice cream? Cotton Candy na lang. "

Nagsimulang umiyak ang dalawa at nagpatuloy sa pagpupumilit na bilhan sila ng sorbetes.Hanggang sa naisip nilang lapitan ang kanilang Ama na nagpipigil ng tawa.

"Daddy,please?? We want Ice cream!We love you,Daddy!"

Saka umakyat ang dalawa sa upuan at hinalik halikan at niyakap ang kanilang Ama.Hindi naman nakatiis si Elmo at isinama ang dalawang anak para bilhan ng sorbetes.Tuwang tuwa ang mga ito at niyakap pa ang kanilang Ama.Bumili rin si Elmo ng mga lobo para sa dalawa saka bumalik sa kanilang inuupuan kung saan matatanaw ang nakasimangot na si Julie.

" You're spoiling them!Kapag inubo na naman sila..Naku,Elmo! Ikaw talaga pag pupuyatin ko!"

Hinawakan ni Elmo ang kamay ng kanyang asawa at inabot ang biniling puting rosas para rito saka hinalikan sa pisngi ang kanyang asawa.

" Sila lang ba ang ini-Spoil ko? Hahaha. Let them eat what they want.Let them experience everything.Wag masyadong Kill Joy,My Queen! Hahahaha"

Mayamaya pa ay lumapit ang dalawang bata sa kanilang Ina upang ibigay ang Cotton Candy nila sa kanilang Ina.

" Momma, Sorry! We love you!"

Saka nila niyakap ang kanilang Ina at hinalikan sa pisngi.Niyakap ni Julie ang kanyang mga Anak at nakisali naman si Elmo na tawang-tawa sa paraan ng panunuyo ng kanilang mga Anak.Naaalala niya kung gaano kahirap suyuin ito kapag nagkakatampuhan sila kaya naman bumulong ito sa kanyang Asawa.

" Julie,Di mo naman sinabi na Cotton Candy lang pala katapat mo! Hahahaha."

Ningitian lamang siya nito at hinalikan sa Pisngi saka nila napagpasyahan na umuwi na sa kanilang tahanan.Habang nasa kotse at bumabiyahe ay nakatulog ang Dalawang Bata na nasa likuran kasama ng kanilang tagapangalaga.Magkahawak naman ng kamay si Julie at ang nagmamaneho na si Elmo.

Elmo: Ang bilis ng panahon..Parang kailan lang nung nagkakilala tayo sa isang bahay.Tapos naging tayo at nagkahiwalay.Then kinasal tayo and now..magiging tatlo na ang babies natin!

Julie: Wow! Anong nakain ng Mister ko at nagfa-Flasback Friday ka ngayon? Hahaha.Pero oo nga..Ang bilis ng panahon! Dati nililigawan mo lang ako eh..

Elmo: Bakit?? Hanggang ngayon naman ah?? Nililigawan pa rin kita di ba? Hahaha.

Julie: Sus! Madalas mo lang akong ligawan kapag may atraso ka! Hahaha

Elmo: Di no! Wala naman akong atraso kanina ah? I gave you a rose.See? Sweet talaga ko.

Julie: Eh kasi alam mong ayaw ko yung ginawa mo.Elmo, wag mo silang sanayin na nakukuha nila lahat ng gusto nila.Kasi sa huli sila rin ang mahihirapan tanggapin na You cant have everything you want in this world.

Elmo: Ang Deep naman ng Misis ko! Hahaha.Chill ka lang! Bata pa sila.Okay? Marami pa tayong oras para dun.Let's enjoy playing with them..Minsan lang sila maging Bata!

Julie: Napaka-Spoiler! Bahala ka nga..Pero may Point naman siya eh.. Fine! *hinaplos ang sinapupunan* Anak,sana lahat ng ugali ni Mommy mamana mo.Hahaha.

Elmo: Wow! Parang ang sama talaga ng ugali ko.Hahaha. *hinaplos ang tiyan ni Julie* Anak,sige kanya na yung Ugali,basta kasing Pogi ka ni Daddy huh? Pero wag mo ng lalagpasan yung Kagwapuhan ni Daddy.Wag mong papahirapan sarili mo masyado kasing mahirap i-Achieve yun.

Julie: HAHAHAHA! Grabe! Hashtag Gwapong gwapo sa sarili.Ibang klase! WOOOO!!!

Elmo: Aba! Gwapo naman talaga ko eh! Hahahaha.Sabi nga nila isa ako sa mga Hot Daddies ng Pilipinas.Hahaha!

Julie: Elmo,magtapat ka nga..Nagda-Drugs ka ba?? Umamin ka!

Elmo: Hindi ah! Sapat ng Proof na Hot ako dahil mas madalas kang mangalabit! HAHAHAHA!

Julie: Kapal talaga! Ikaw nga diyan may kagagawan ng Dalawang yan! Tignan mo ikaw yung kamukha! Ikaw kasi yung nag-aya! HAHAHA

Elmo: Ah ganun ba yun? Naku paano yan? Ikaw pala magiging kamukha ni Julian Elmo! HAHAHA.

Nagtawanan sila at nag asaran sa buong biyahe hanggang sa makarating sila sa kanilang Tahanan at isa-isang binuhat ni Elmo ang kanilang mga Anak.Naging masaya ang kanilang pagsasama.Hindi man ito perpekto dahil tao lamang sila at may mga pagkakamali.Ngunit mas nananaig ang kanilang pagmamahal sa isa't isa.Mas lalo pa itong naging masaya dahil sa kanilang mga Cute at masiyahing mga Anak.

Nanatiling magkaibigan si Sam at Julie at ngayo'y nasa Australia na ito kasama ang kanyang Australianang Nobya na si Jasmine.Si Kris naman at Joyce ay may Dalawa ng Anak.Si Lauren naman ang Best Ninang ng mga Anak nila Julie at Elmo ayon sa mga ito dahil bukod sa parating naroon sa kanilang bahay at nakikipag chismisan sa kanilang Ama't Ina kasama ang asawa nito,ay parati silang binibigyan ng kung anu-anong mga laruan.Hanggang sa ngayon ay hindi pa sila nabibiyayaan ng Anak dahil mas inuuna muna nilang makaipon.

Si Julie at Elmo?? araw araw na pinapatunayan sa kanilang pagsasama na may Forever at Happily ever after.

**** AUTHOR'S NOTE,

THANK YOU FOR READING THIS STORY.To all Julielmo Fans out there,wag mawalan ng pag asa!Sana wag kayong magsawa sumuporta at magbasa ng mga gawa ko.At sa mga readers na kilala at di ko kakilala,Thank you!Pasensya na kayo sa mga mali-maling spelling at grammar ko dahil ginagawa ko to bago matulog.HAHAHA! Thank you po :) God bless you all!

Ps: My Bestfriend and I will Create a New Sci Fi Story and I'll Create a Sci Fi / His Fi soon :)

Flying kiss (Julielmo Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon