Chapter 68

1.3K 37 4
                                    

Kinabukasan,nagising sila Elmo at Julie ng maaga dahil kailangan pa nilang ligpitin ang kanilang mga kalat kagabi at pati na rin ang pag aayos ng kanilang mga Gamit.Habang nag eempake si Elmo, tinignan niya ang mga litrato nila ni Julie sa ginawang Scrap book ng mga magulang nito na iniregalo sa kanya noong pasko.Si Julie naman ay hinahanda na ang kanyang mga damit sa maleta.Naluha siya ng maalala niya ang mga masasayang alaala nila ni Elmo.Ang kanilang walang katapusang bangayan noong kakapasok pa lamang nila.Pati na rin ang mga pagsubok na dinaanan nila at mga taong naging parte nito.Napakabigat ng loob niya at nahihirapan siyang isipin na sa gabing darating,wala na ang Elmo na pwede niyang katukin sa kalagitnaan ng gabi para lang pagbuksan siya ng pintuan kapag inuumaga na ang Taping at mag uutos na maglinis siya ng kwarto.

Lumabas si Elmo ng kanyang kwarto at kinatok si Julie na patuloy pa rin sa pag aayos ng kanyang mga gamit.At dahil tinatamad na tumayo si Julie mula sa pagkakasalampak sa sahig,pinapasok niya na lamang si Elmo at sumambulat sa binata ang napakagulong mga Damit.

Elmo: What happened here?? May dumaan bang hurricane dito sa room mo at ganito kagulo?? Hayy.. Kelan ba magbabago tong taong to? 

Julie: Naligpit ko na nga yung iba eh! Marami pa rin pala..Di na magkasya sa maleta ko.

Elmo: Paano naman kasi magkakasya yan eh di mo naman fino-Fold?? Hay nako,Julie! Akin na nga!  *Nilabas lahat ng damit sa maleta at tinupi* Ang laki mo na di ka pa rin marunong mag-Fold??

Julie: Marunong ako..tinatamad lang! Hahaha

Elmo: Yan ang sakit na walang gamot.Dapat mong matutunan yung mga ganitong bagay bago ka mag-sarili.

Julie: Oo na! Last day na nga natin dito siner-sermonan mo pa ko! Dapat nag-Pari ka na lang.Hahaha

Elmo: Oo nga pala..Last day na.. Julie,anong plano mo after this? I mean...Sa career mo?

Julie: Sabi ng Manager ko, baka mag-Renew kami ng Contract.Madaming Project ang ibibigay sa akin this year.

Elmo: Like what?

Julie: May movie daw eh..pero di ko pa alam yung Story.

Elmo: Magiging Busy ka pala.. 

Julie: Oo! Thankful talaga ko. Ikaw? Kung may mag-Offer ba sayo di mo tatanggapin?

Elmo: Alam mo namang gusto ko muna tapusin Studies ko di ba? I'll be Graduating this year ng BSAeroE kailangan ko pa kumuha ng Bachelors Degree in Aviation Major in Flying.

Julie: Grabe! Kapag Pilot ka na dapat isama mo ko sa mga Flight mo huh? Tsaka dapat Free! Hahaha

Elmo: Piloto lang ako hindi ako magmamay-ari nung eroplano.Hahaha.Ikaw ba? Ano bang Dream mo?

Julie: Hmmm.. Gusto kong maging katulad ni Lea Salonga.Gusto kong gumawa ng pangalan Abroad at i-Share ang Talent na binigay sa akin ni God.

Elmo: Mas mataas pa pala pangarap mo sa akin eh! Hahaha.Basta gusto ko sana..habang tinutupad ko yung mga Dreams natin,magkasama tayo.

Julie: Tara na nga! tapusin na natin tong mga damit na to kasi kailangan ko pang mag make-up.

Lumipas ang ilang oras at tuluyang lumabas na ng Bahay ang Dalawa.Tulad ng nasabi,ibinigay ng Programa sa mga napiling Charity nila Elmo at Julie Anne ang salaping nagkakahalaga ng 1,000,000 .Masayang masaya sila para sa pagtatapos ng programa ngunit ang pinakamahalaga sa lahat ay nakatulong sila sa mga nangangailangan.Bago pa tuluyang lumabas ang Dalawa ay kinailangan nilang sumailalim sa isang Question and Answer para malaman ang mga bagay na natutunan nila sa pananatili sa isang bubong.

Flying kiss (Julielmo Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon