Paglaban Sa Agos ng Buhay

22 0 0
                                    

Minsan sa buhay marami tayong matutunghayan

Maaaring masaya pero maari rin na malungkot 

Bagkus hindi iyon ang basehan upang sumuko 

kapit ka lamang dahil may naghihintay sayong magandang kinabukasan


Patuloy ka lumaban sa agos ng buhay

Hindi lahat ng sakit ay mananatili

 Lahat ng lungkot ay mapapalitan ng isang matamis na ngiti 

Mahirap man sa umpisa ngunit maginhawa naman sa huli


Ang dami kong problema na hinahanapan ng solusyon

 Ngunit tao lamang ako, nanghihina at napapagod 

Gusto ko na rin sumuko sa laban

Napanghinaan na ako ng loob


Subalit heto ako ngayon, patuloy parin na lumalaban 

Naisip ko kasi na masasayang ang sinimulan ko kung ihihinto ko ang paglaban 

Dahil imbis na ako'y manalo, baka ako ay matalo

kaya't sa mga nakaranas din ng ganito ay patuloy tayong lumaban


Kumapit tayo sa ating mga pangarap sa buhay

Gawin natin itong sandata upang magpatuloy 

Lakasan natin ang ating mga kalooban 

Upang tumibay at mamayagpag sa ating mga tinatahak na laban.

Tula ng DamdaminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon