Sabi nila kapag natagpuan mo na yung taong mamahalin mo ay sasaya ka na,
Ngunit, paano kung sa isang iglap na ang taong inaakala mong makakasama mo habang buhay ay mawawala nalang na parang bula?
Masaya naman kayong dalawa, laging nag-uusap, nagtatawanan, at pinaparamdam sa isa't isa ang pagmamahalan.
Kaso bigla nalang may nagbago ng hindi mo inaasahan.
Marami siguro makakarelate pero isa sa pinaka masakit ang patuloy ka pang lumalaban,
Pinipilit mong lumaban kasi totoong mahal mo siya pero mabibigla ka nalang na ikaw nalang pala magisa.
Habang ikaw patuloy sa paglaban, siya pala ay huminto na sa kalagitnaan at iniwan ka na.
Nagulat ka nalang kasi nalaman mong hindi ka na niya pala mahal.
Ngayon naliligaw ka na, hindi mo na alam kung san ka na papunta.
Naglaho na lahat ng mga plano't pinangako niyo sa isa't-isa.
Inakala mo siya na, pero hindi pala.
Nadudurog ka nanaman kasi alam mong ginawa mo naman ang lahat pero bakit ka iniwan.
Magsusuot ka muli ng maskara upang itago sa lahat kung paano ka na nasasaktan.
Magpapanggap na masaya sa harap ng iyong mga kaibigan at sasabihing ayos ka lang kahit na ang totoo ay ubos na ubos ka na.
Patuloy ka parin sa pagtataka kasi hindi ka pa makapaniwala na tuluyan na siyang naglaho na parang bula,
Pinaglaban mo siya sa lahat ng tao na nagsasabi na hindi siya ang nararapat sayo kase sa puso't isipan mo sigurado ka na siya na hanggang sa huli.
Ngunit ngayon iniwan ka na niya magisa, nawala na ang "ikaw at ako" sa bokabularyo nya dahil naging "siya at ang bago na niya" dahil mayroon na siyang iba.
Minsan sa sobrang pagmamahal natin nasasabi natin na "Please huwag muna ngayon, subukan pa natin baka maisalba pa natin",
o kaya naman "San ba ako nagkulang? babaguhin ko para magkaayos tayo".
Ang sakit makiusap sa mga taong minahal naten na huwag tayo iwanan ngunit wala rin tayo magagawa kung talagang desidido na silang layuan at iwan tayo.
Kailangan muna natin mahalin ang ating sarili, hindi natin kailangan manlimos ng pag-ibig.
Siguro pinagtagpo pero hindi itinadhana, yan ang maitatawag sa ating naudlot na pagibig.
Marami siguro sa atin ang naka maskara ngayon, itinatago ang totoong nararamdaman.
Hindi sa lahat ng panahon maikukubli mo ang tunay mong emosyon na itinatago mo sa maskarang iyong sinusuot,
Kung tunay ka nga bang masaya o malungkot.
Lahat tayo nasasaktan, namomoblema,at napapagod na pero patuloy ka parin lumaban kahit alam mong talo ka na
Pwede tayong magpahinga pero huwag tayo susuko.
Kung siya nga naipaglaban mo noon, kaya mo rin gawin sa sarili mo.
Lumaban ka upang maibalik kung ano ang naglaho sayo nung panahong siya ang pinili mong ipaglaban.
Ibaling mo ang iyong atensyon sa mga bagay na hindi mo nagawa noon,
o kaya naman sa mga kaibigan mong hindi ka iniwan at dinamayan ka sa panahong naghihirap ka.
Hindi lang siya ang nagmamahal sayo.
Subukan mong tumingin sa iba, ibaling mo ang atensyon mo sa kanila ng malaman mong may mga tao pang totoong nagmamahal at kaya ka pang ipaglaban.
Kaya sa patuloy parin na nasasaktan ngayon, darating din ang oras na tatanggalin niyo na ang mga suot niyong maskara.
Hindi man sa ngayon pero magtiwala ka na balang araw makakalimutan mo kung paano ka nasaktan at sasaya ka uli.
Lahat tayo, balang araw makakaranas uli maging masaya ng hindi nanlilimos sa iba.
BINABASA MO ANG
Tula ng Damdamin
PoezjaMga tula hango sa emosyon, napapanood, nababasa at iba pa...