Nakangiti habang nakatitig sa litrato.
Mga ala-ala ng bawat minuto,
mga masasayang sandali,
na hindi na maibabalik pang muli.Nakatingala sa langit.
Ang puso ay puno ng pait.
Nananalangin na sana'y ito'y isang panaginip,
para maalis sa aking isip.Nahihimlay sa iyong mga yakap,
at sa iyong mga ngiti na aking hinahanap.
Hindi man kita muling mahahagkan.
Alam kong masaya ka kung nasaan ka man.

BINABASA MO ANG
Tula ng Damdamin
PoetryMga tula hango sa emosyon, napapanood, nababasa at iba pa...