Lagi kong sinasabi kung asan nga ba?
Nasaan yung lakas ko?
Nasaan ung mga nagmamahal sakin?
Nasaan ung ako?Hindi ko rin alam kung bakit ako laging may hinahanap,
Naghahanap ng wala.
Nararamdaman ko kasi na may kulang,
Na para bang kalahati ng ako yung nawawala.May dumarating naman sa buhay ko na ipaparamdam na may nagmamahal sa akin,
Pero bakit parang hindi parin sapat?
Na minsan tinatanong ko na rin sarili ko,
May mali ba sakin?May dapat ba akong baguhin?
Kasi onting galaw ko,
Onting salita ko,
Onting pagdadrama ko.May mga lumiliyab na mga mata ang nakatitig sa akin,
May mga bulungan na tila bang parang alam na nila buong istorya ng buhay ko,
Na para bang napaka perpekto ng kanilang buhay.Tingin nila sakin na parang isang balahurang babae,
Pero kung sino pa ang humuhusga sakin sila pa ang may madungis na pagkatao.
Pero sa lahat ng iyon mas pinili kong maging mapagkumbaba.Oo talo ako sa oras na iyon,
Pero mas inisip ko na hindi sagot ang kalabanin sila,
Hindi ko kailangan na tapatan sila,
Kasi magkaka iba kami.Habang tumatagal, isang pagsubok pa ang dumating sa buhay ko,
Gusto kong iiyak lahat.
Kasi yung dalawang taong importante sakin binawi na ng Diyos.Para akong pinagsakluban ng mundo
Na hindi makatayo,
Nanghihina ako sa panahon na iyon,
Iniisip ko saan ako ngayon kukuha ng lakas ng loob.Isang dilim ang pumalibot sakin,
Isang dilim na puno ng mga negatibong komento;
Para akong batang nawawala
Na naghahanap ng daan.Asan nga ba yung daan?
Daan pabalik sa dating ako,
Ako na puno lamang ng saya,
Ako na walang iniisip kundi positibo lamang.Pero asan na nga ba?
Asan nga ba ung patungo sa dating ako ?
Hanggang dito nalang ba ako?
Hindi ko na ba talaga maibabalik yung nakaraan?
Isang nakaraan na nagbunga ng magandang ala-ala.Habang ako'y nagmumokmok sa isang tabi,
May lumapit sa akin na tila'y isang mahika ang kanyang ginawa.
Pinaramdam niya sa akin na hindi ako nagiisa.Sa oras na iyon nakaramdam uli ako ng saya,
Sa taong iyon kilala mo na kung sino ka,
Nais ko lamang humingi ng salamat sa pagbibigay muli ng pagasa sa puso ko
Na hindi ko kailangan magbago para sa ikabubuti ng iba.Pinaintindi mo sa akin na matutong magtiwala sa aking sarili,
Na sa bawat proseso na aking tatahakin ay tiyak na maibabalik ko ang dati
At mas hihigitan pa ang nakaraan.
Kaya salamat dahil sinagot mo ang tanong ko kung asan ng ba?
Kundi nasa puso ko lamang pala.pinadama mo sa akin na hindi ako nagiisa
na may nagmamahal pa pala sa akin
nahanap ko na pala ang daan
na hindi ko kailangan hanapin ang nakaraan
kaya salamat dahil andyan ka.
BINABASA MO ANG
Tula ng Damdamin
PoetryMga tula hango sa emosyon, napapanood, nababasa at iba pa...