Paghingi ng Tawad

40 2 0
                                    

Puno ako ng negatibo ngunit kapag ika'y kapiling ako ay nababalutan ng pagiging positibo.
Sapagkat ilang buwan na tayong hindi magkasundo,
Gusto kitang kausapin ngunit ako'y nahihiya dahil ang ating pagkakaibigan ay tila naging malabo,
May gusto rin sana akong sabihin ngunit magulo pa ang mundo.

Hindi pa ito ang tamang oras para umamin,
Isisikreto ko muna hanggang sa pwede ko na sabihin.
Alam ko, alam ko na hindi ako perpektong tao,
Tao lamang ako na nagkakamali rin ngunit ako ay isang tao may malambot na puso.

Pinagsisihan ko ang aking nagawa kaya gusto ko humingi ng patawad,
Ikaw lang ang taong nagbibigay ng saya sa akin kaya't hihintayin ko hanggang sa tanggapin mo ang paghingi ko ng tawad.
Napagtanto ko na ang aking kasalanan na naging sanhi kung bakit ganito tayo,
Gusto kita muling makausap dahil ikaw lang ang bukod tanging nagpapaganda ng araw ko.

Hindi man kapanipaniwala ngunit iyon ay totoo,
Kahit ituring pa ako na pinakamaloko pero kapag ikaw na ang usapan ay kaya ko magbago.
Itatama ko ang mga mali kong nagawa,
Ipapakita ko sayo na ako ay may isang salita.

Tula ng DamdaminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon