Puro sa kalungkutan ang atensyon ko,
nalimutan ko nang maging masaya ng totoo.
Nalimutan ko rin na may mga taong sumusuporta sa akin.
Nalimutan ko rin na may ilang tao ang nanatili para ako'y mahalin.Nabulag ako sa kalungkutan na naging dahilan kung bakit akala ko ako'y isang talunan,
Naging isang ligaw na tupa at hindi alam kung ano ang babalikan,
Kaya laking pasasalamat sa aking mga totoong kaibigan,
Ako'y kanilang ginagabayan para sa aking kabutihan.Hindi man madali ngunit susubukan alalahanin ang mga nalimot dahil sa sakit.
Nadapa man ulit, babangon parin hanggang sa makamit.
Marami at malayo pa ang tatahakin,
Masaktan man ng paulit-ulit hindi parin susuko sa aking hangarin.
BINABASA MO ANG
Tula ng Damdamin
PoetryMga tula hango sa emosyon, napapanood, nababasa at iba pa...