Gusto ko sana itanong kung kumusta ka na,
Naaalala parin kasi kita,
Hindi mo na siguro ako iniisip kaya hindi ko na magawang itanong pa.
Wala naman na akong karapatan at wala rin balak na abalahin ka.May ilang tanong pa ako ngunit sa akin nalang ang mga ito,
Hindi ko na isisiwalat kahit ako'y nanatiling nalilito.
Wala na rin naman ako ibang magagawa,
Kundi idaan nalang sa tawa.Hindi ko pinipilit na ako'y iyong isipin rin,
Dinadaan ko lang sa tula na ito ang aking damdamin.
Maaaring puro ikaw ang aking paksa,
Ito lang ang natanging paraan na aking naisip upang mailabas ang aking saloobin sa pagbuo ng tula.
BINABASA MO ANG
Tula ng Damdamin
PoetryMga tula hango sa emosyon, napapanood, nababasa at iba pa...