May gusto ako sabihin,
Sana'y kayo ay nakikinig sa aking bawat babanggitin.
Saglit lamang ito, sana pagtuunan niyo muna ako ng pansin,
Ngunit ayaw ko kayo guluhin
Nais ko lang naman magpasalamat sa inyo na nanatili sa aking tabi lalo na sa panahong nahihirapan na ako at walang mapagsabihan.
Siguro may ilan na sa inyo na nagsasawa na sa mga kwento ko na puro nalang hinanakit at parang walang patutunguhan,
Pasensya na ngunit ayoko na ipunin lahat sa aking dibdib kaya kailangan ko ilabas ang aking saloobin upang maginhawaan.
Isang paraan na rin upang ako'y tumahan.
Sapagkat, bukod dyan ay nais ko lang rin sabihin na kayo ay napamahal na sakin,
Hindi na lamang kayo isang kaibigan sa akin.
Kayo ay mahalaga na sa akin dahil ang turing ko sainyo ay parang aking totoong pamilya na rin.
Mga aking pangalawang ate, kuya at syempre ang itinuring ko na aking magulang rin.
Noon hindi ko naramdaman na tutungo sa ganito ang mga samahan natin,
Ang akala ko noon ay parang normal lang na magkaibigan na magkakilala lang;
Ngunit mali pala ako, mas higit pa doon ang ating naging samahan.
Isa kayo sa mga blessings na natanggap ko.
Kasama na kayo sa kwento ng aking buhay.
Pero may isa akong hiling, na kung umabot na sa puntong ayaw niyo na o kailangan nang putulin ang komunikasyon o pagkakaibigan natin ay sabihan niyo ako;
Dahil pagdating sa aking mga minamahal mabilis ako mag-alala at takot na maiwan muli mag-isa.
At sa ganon ay alam ko na kahit hanggang dun nalang ay masaya at maayos parin ang kalagayan ninyo.
Mahal ko kayo at hindi magbabago yun.
Ilang buwan na rin naman at bagong taon na kaya salamat dahil naging parte kayo ng akin 2021;
Na sana'y hanggang sa ilang taon pa na darating ay kasama ko parin kayo.
Salamat sa may itaas at nakilala ko kayo.
![](https://img.wattpad.com/cover/234607551-288-k831911.jpg)
BINABASA MO ANG
Tula ng Damdamin
PoetryMga tula hango sa emosyon, napapanood, nababasa at iba pa...