Eto na,
Tapos na.
Tinapos mo na,
Tinapos mo na ang ating istorya.Isang istorya na inakala'y sa masaya ang hantungan.
Maikli pa lang ang nilalaman tinapos mo na agad.
Sa unang pahina ay puno ng saya,
Tila isang mahika ang mararamdaman.Sa pagpapatuloy ng ating istorya,
Bahagyang nawalan ng tinta para sa susunod na kabanata.
Nangangamba,
Nangangamba na hindi na maiisulat ang kasunod na pahina ng ating istorya.Hindi magkamaliw,
Nagiisip ng solusyon upang mapunan ang bawat patlang.
Nakaisip ka ng paraan,
Inakalang maitutuloy na ang naiwang istorya.Ayun na pala ang wakas,
Sinarado mo na ang libro ng ating kwento.
Naging malabo ang paningin,
sabay sa agos ng mga luha.Tuluyan nang natapos ang kwento nating dalawa,
Isang trahedyang wakas ang kinahantungan.
Kaya eto na, tapos na.
Tinapos mo na.
BINABASA MO ANG
Tula ng Damdamin
PoetryMga tula hango sa emosyon, napapanood, nababasa at iba pa...