Tanong

11 0 0
                                    


Naranasan mo na ba na sabihing ayos ka lang pero ang totoo ay durog na durog ka na? 

Pinipilit mo nalang ngumiti sa harap ng iba para magkunwaring masaya ka. 

Gusto mong aminin yung totoong nararamdaman mo pero di mo magawa kasi natatakot ka, 

Natatakot ka na baka hindi ka nila maintindihan at baka makadagdag ka lang sa problema nila. 


Ang hirap diba? 

Pero naranasan mo na rin ba na mas isipin kung okay lang ba yung taong importante sayo kesa sa sarili mo? 

May sarili ka rin namang problema pero hindi mo maiwasan na mas isipin sya. 

Gusto mo siya pasayahin sa mga simpleng bagay pero ikaw mismo di mo mapasaya ang sarili mo. 


Paano nga ba? 

Paano nga ba pasayahin ang sarili kung nakikita mong malungkot yung mga taong mahal mo.

Sabi nga nila hindi mo na dapat problemahin ang problema ng iba.

Pero paano kung ayon yung mga taong minamahal mo ng sobra? 


Minsan mas gugustuhin mo nalang na ikaw nalang ang masaktan at huwag na sila. 

Pero paano matututo ang lahat kung hindi rin sila makakaranas ng problema? 

Kaya ngayon hindi mo na alam ang gagawin.

Walang masama magtanong kung naguguluhan ka na at nahihirapang madesisyon. 


Ngunit lahat sa lahat ng kasagutan sa tanong ay hindi natin alam kung alin ang tama. 

Iba-iba ang opinyon na maririnig natin. 

May positibo at meron ding negatibo. 

At sa huli, sa pagtatanong natin dun rin natin matutuklasan kung paano nila nalagpasan ang kanilang mga problema,


Na minsa'y prinoblema rin natin dahil sa ating pag-aalala sakanila. 

Dito rin natin matutuklasan kung paano sila natuto na lumaban at harapin mag-isa ang kanilang problema sa buhay. 

Sa simpleng tanong ay magdudulot din ng kasiyahan sa atin.

Mapapangiti tayo sa kanilang mga sagot dahil nakikita natin kung gaano na sila kasaya at sa ganoong paraan tayo rin ay makakakuha ng aral sa kung paano lumaban sa mga hamon na ating haharapin.

Tula ng DamdaminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon