Panibagong Mundo

29 1 0
                                    

Panibagong mundo na ang haharapin,
Ito na ang totoong reyalidad na kailangan mong kalabanin,
Buksan mo ang iyong mga mata upang makita mo ang iyong lalakbayin,
Malubak na daan at maraming tatrabauhin.

Nakakapagod ang panibagong mundo sapagkat hindi dito natatapos ang ating yugto,
Kapit ka lang at huwag susuko,
Pilitin mong ihakbang ang iyong mga paa hanggang sa marating ang dulo,
Bawat tagaktak ng pawis ay simbolo ng katatagan mo sa bawat paghihirap na naranasan sa mundong ito.

Isipin mo ang rason kung bakit patuloy ka parin lumalaban,
Isipin mo kung bakit hindi mo magawang ihinto ang iyong nasimulan kahit gusto na bumigay ng iyong katawan.
Kapag alam mo na ang sagot, magbalik tanaw ka kung gaano kalayo ang nalakbay mo sa bawat paghihirap na iyong naranasan,
Masasabi mo nalang na, sa taong may prinsipyo walang anuman ang makakapigil sa kanyang gustong makamtan.

Tula ng DamdaminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon