Iba ang saya kapag mayroong sumusuporta sayo,
Iba rin sa pakiramdam kapag may mga taong nakasuporta sa mga pangarap mo.
Nakakataba ng puso at nakakapagbigay ng lakas upang magpatuloy magsumikap,
Naging isang inspirasyon kayo sa akin lalo na sa panahon ako ay puno ng paghihirap.Kaya salamat sa mga taong naniniwala sa aking kakayanan,
Kayo ang nagsilbing ilaw sa aking madilim na nakaraan.
Hindi ko na alam kung ano pang mga sapat na salita upang maipahayag na ako'y nagagalak,
Hindi ko rin kasi inakala na may susuporta parin sa akin na kahit ilang beses na ako pumalpak.Marami pa akong haharapin ngunit hangga't nandiyan kayo ay patuloy akong lalaban,
Napakalaki ng inyong naitulong sa akin sa pagbibigay ng kaligayahan.
Pinapadama niyo sa akin ang isa sa aking hinahanap,
Kundi ang kasiyahan ng pagtanggap.
BINABASA MO ANG
Tula ng Damdamin
PoetryMga tula hango sa emosyon, napapanood, nababasa at iba pa...