May problema ka nanaman ba na hindi mo masabi sa iba?
Nahihirapan ka nanaman ba mamili kung lalaban ka pa o susuko ka na?
Gusto mo na bang umiyak kaso ayaw mo ipaalam sakanila kung paano ka na nilalamon ng kalungkutan mo?
Natatakot ka nanaman ba na baka maging pabigat ka sakanila?
Ayan ang mga katanungan ko sa aking sarili na hindi ko masambit
Ngunit huwag kayo mag alala kasi patuloy parin naman ako lumalaban
Nahihirapan lang ako ngayon pero bukas okay na uli ako
Ngingiti na uli ako sa inyong harapan na parang walang nangyari
Huwag sana kayo magalit sa akin sa tuwing babanggitin ko ang katagang "suko na ko" dahil dala lamang iyon ng aking emosyon na hindi ko maikubli
Ako parin ito na si Elli na laging nagsasabi na lalaban parin hanggang sa aking makakaya
Lalaban ako, pangako ko 'yan
Hihinto lang ako ng sandali upang ikalma ang sarili sa mga nangyayari pero magpapatuloy parin sa inumpisahan kong laban
Lumaban ka
Lumaban ka
Ayan ang paulit ulit kong sinasabi sa aking sarili
Na kahit sa bawat sambit ko ay kasabay ang pagbuhos ng luha.
Sa bawat patak ng luha ay gustong isigaw na ayoko na, ayoko na kasi ang sakit sakit na itigil nyo na
Gusto ko na maging totoong masaya
Ayun nalang ang tanging hiling ko, parang-awa nyo na ibigay nyo na sakin 'yon.
Ayoko na magpanggap, nakakasawa na
Marami pa akong laban na haharapin pero ito yung laban na gustong gusto ko na tapusin
Sobrang tagal ko na itong nilalaban
Ramdam ko na yung pagod at panghihina ko,
Ngunit nakakapagtaka para sainyo kung paano parin ako nagpapatuloy
'Yon ay aking nakakayanan dahil sa inyong pagtitiwala sa aking kakayahan
Sainyo ako nakakakuha ng lakas para patuloy ihakbang ang aking mga paa upang umusad sa aking sinimulan
Kaya huwag na sana kayo mag-alala pa sa akin
Dahil ako parin si Elli na lalaban hanggang sa huli
Hanggang dito nalang ang tula na ito,
Nagiiwan ng isang pangako na kahit anong mangyari ay lalaban parin ako.
BINABASA MO ANG
Tula ng Damdamin
PoetryMga tula hango sa emosyon, napapanood, nababasa at iba pa...