Ito yung huling katagang sinabi mo noong nahihirapan ka na lumaban
Ito yung mga panahon na alam kong lilisan ka na
Mga panahong kailangan na kita bitawan kahit alam kong mahirap at masakit
Ngunit paulit-ulit kong sinasabi sayo na mahal kita at hindi tayo susuko sa laban na ito.
Sa likod ng bawat ngiti na pinapakita mo
Alam kong sakit at hirap ang nadarama mo
Na kahit ako'y nahihirapan sa iyong kalagayan
Isang kalagayan na pilit mong nilalabanan dahil ayaw mo mawalay sa amin
Ngunit ang hirap marinig at makita na namimilipit ka sa sakit
Nais kong lumuha ngunit pilit ko nilalabanan dahil gusto maging malakas para sa iyo
Sa tuwing ika'y mahimbing na natutulog, lihim ko na hinahawakan ang iyong kamay at lumuluha kasabay ng isang dasal
Isang dasal na sana'y gumaling ka na.
Ngunit sa isang iglap na di ko inaasahan, paggising ko'y wala ka na
Sa una ayaw kong maniwala dahil baka panaginip lang ang lahat
Pero bakit ganon? sabi mo lalaban ka diba, lalaban ka para sa amin
Sinusubukan kita gisingin pero kahit anong gawin ko ay wala ka talaga
Humagulgol ako sa sakit dahil hindi ko kaya
Hindi ko matanggap na wala ka na sa aking piling
Madaming tanong ang gumugulo sa aking isipan
Bakit mo ako iniwan? Bakit ka sumuko sa laban?
Kakayanin ko ba na wala ka sa tabi ko?
Bakit andiyan ka agad sa kabilang buhay?
Para sinaksak ng tatlong beses ang puso ko dahil sa sakit at pighati na aking nadarama
Onti onti nanaman gumuguho ang mundo ko
Ang sakit na ang aking ina na nag-aruga at nagmahal sa akin ay lumisan na at di ko na mayayakap pang muli
Kung maaari lang na sa huling sandali ay makita ko ang iyong matatamis na ngiti sa labi at masabi ang katagang mahal kita aking ina
Lubos ako nagsisisi sa mga oras at panahon na aking sinayang na dapat masaya tayong dalawa
Masayang binubuo ang mga pangarap natin para sa isa't-isa
Ang sakit na ngayo'y ako'y nangungulila sa iyong mahigpit sa yakap as tuwing ako ay nalulungkot
Wala na akong hahanapin sa tuwing ako'y uuwi galing paaralan
Wala na akong maririnig na sermon na nais lamang akong turuan ng tama
At wala na rin akong kukulitin para lambingin bago matulog
Ngunit sinabi ko sa sarili ko na may dahilan ang Diyos kung bakit ka niya agad kinuha sa akin
Isa lang itong pagsubok,
Isang pagsubok na magpapatibay ng aking pagkatao
At magpapalakas sa akin upang kayanin harapin ang mga ganitong karanasan
Kaya aking ina, patawad din sa aking nagawa at huli na ang lahat
Kung kaya ko lang ibalik ang nakaraan ay gagawin ko ngunit wala akong ganon na kakayahan.
Aking mahal na ina, lagi kang nasa puso ko at papasayahin parin kita kahit nasa itaas ka na kasama ang Diyos
Salamat, Patawad at Mahal na Mahal kita aking Ina.
BINABASA MO ANG
Tula ng Damdamin
PoetryMga tula hango sa emosyon, napapanood, nababasa at iba pa...