Uy kamusta ka na?
Ibang iba ka na,
Kay layo na pala ng ating narating na parang kahapon lang tayo ay mga bata pa,
Kay bilis talaga ng panahon.
Andami na rin pala natin natunghayan at natutunan sa buhay,
May mga masasakit na pangyayari bagkus meron din na masasayang alaala.
Akalain mo yun nalagpasan nating lahat ang mga problema na parang dati lang ay iniiyakan natin.
Kasi sa panahon noon tayo ay mga munting bata palang na hindi pa alam ang mga tamang gagawin.
Ngunit huwag natin ipagkaila na minsa'y gusto natin bumalik sa nakaraan,
Ang nakaraan na humubog sa atin ngayon.
Ngayong naalala natin ang mga kwento ng nakaraan natin tila'y tayo ay napapangiti.
Naalala natin kung paano ang buhay noon na tahimik at masaya lamang,
Kase noon lahat tayo ay nakakalabas pa upang makipagkita sa ating mga barkada upang makipaglaro
Isa na doon ay ang langit lupa, patintero, piko, tagu-taguan at marami pang iba...
Mga simpleng laro pero iba ang saya na naibibigay nito sa atin,
Yung tipong hingal na hingal ka na at tagaktak na ang mga pawis dahil sa init ng araw
Bagkus hindi parin tumitigil maglaro hanggat hindi tayo hinahabol ng ating mga ina na may dalang tsinelas.
Nakakatawa man pakinggan pero ang saya ng mga panahon na iyon,
Dahil ngayon ay ibang iba na.
Marami na ang nagbago,
Lahat tayo ay nakakulong na lamang sa ating mga tahanan,
Nakaharap sa ating mga selpon na naging mistulang naging panibagong mundo natin.
Nawala na ang dating sigla ng bawat isa dahil patuloy nang natatabunan ang nakaraan.
Sa patuloy na paglipas ng panahon ay siyang patuloy rin ng paglaho ng nakaraan.
Kakaonti na lamang ang nakakaalala,
Dahil ang mga kabataan ngayon ay hindi nakaranas na gaya sa panahon noon,
ngunit hanggang ngayon ay hindi nila mararanasan, nakakalungkot man pero wala tayong magawa kasi hindi natin kontrolado ang pag-ikot ng mundo.
Halo-halong emosyon ang nararamdaman natin dahil iba iba tayo ng nakaraan,
Ngunit sa mga masasayang alaala natin ay huwag sana natin hayaan na ito ay maglaho na parang bula.
Ikwento natin ito sa mga makabagong henerasyon na kahit sa ating mga kwento ay malaman nila na minsa'y napakasaya ng mundo at sa pamamagitan nito ay mapigilan naten ang paglaho ng ating mga kahapon.
Ang masayang kahapon na kung saan tayo'y nagsimula.
BINABASA MO ANG
Tula ng Damdamin
PoetryMga tula hango sa emosyon, napapanood, nababasa at iba pa...