Pagkatapos ng nangyari sa amin ni Gab nung nasa Batangas kami. Parang walang nangyari, mas lalo lang niya akong iniwasan at hindi pinansin. Ano bang mayroon sa akin? Bakit sa ibang mga lalaki okay siya at sa akin hindi.
Mas close pa nga sila ni Kuya Virgil kaysa sa akin eh. Grabe talaga yung pagiging close nila nung nasa Batangas kami kahit na nung time lang sila na yun nagkasama. Kami ngang magkaklase na hindi ganon ka-close eh. Ni hindi nga niya ako kinakausap. Yung feeling na parang hindi ako nag-e-exist.
Bakit ba ang hirap pumasok sa mundo niya?
Hindi ko alam kung bakit gusto kong mapalapit sa kanya. Basta ang alam ko lang pagmalayo ako sa kanya, may kung anong kirot akong nararamdaman dito sa puso ko.
Sabi nila mommy babalik daw kami sa summer doon sa beach resort na pinuntahan namin. Kaya excited na tuloy akong mag-summer kasi swimming ulit tapos syempre hindi mawawala ang halos daily na pagba-basketball. Yun oh!
Pero bago ko isipin kung ano ang mga gagawin ko sa bakasyon, kailangan ko munang makumbinsi si Gab na maging girlfriend ko.
Ngayon malinaw na kung bakit bigla kong naisipang tanongin si Gab kung pwede ko siyang maging girlfriend, kasi alam kong takot sila Aldrich sa kanya at alam ko ring babalik at balikan ako nung mga yun. Kung sa school nga lang, lagi akong binabantaan ni Aldrich.
Nung kailan nga lang may nilagay siyang papel sa ilalim ng arm chair ko eh tapos may chewing gum pa na nakadikit sa upuan ko kaya naupuan ko tuloy at dumikit sa pants ko.
(Naalala mo pa ba yung sinabi kong 'Tandaan mo may araw ka rin sa'min?' Malapit na yung araw na yun kaya ihanda mo na 'yang katawan mo at 'yang mukha mo, sisguraduhin kong hihiram ka ng mukha sa aso. -Aldrich)
Hindi naman sa takot ako pero ayokong makipag-away kasi sabi ng principal namin na kapag nagka-offense daw kami inside or outside the campus, bawal na kaming maging varsity dahil ibig sabihin daw nun wala kaming discipline. Ayoko namang masayang ang skills ko sa paglalaro ng basketball.
Sabi nga nila, "Basketball is earned, not given." ibig sabihin pinaghirapan ko 'to para lang maging magaling na basketball player. Dahil nga sa pinakita kong laro nung intrams, kinuha na akong varsity player. So next school year kasama na ako sa varsity team ng school.
Naglalakad ako nang may biglang nagsalitang babae sa likod ko. "Alam mo crush kita."
Dahan-dahan ko siyang nilingon at pagharap ko sa kanya...
"Ikaw?! Crush ako?!" lalong nanlaki yung mata ko nung makita ko si Gab.
Si Gab?! Crush ako?! Aba! Mukhang di na ako mahihirapang mapapayag siyang maging girlfriend ko kasi crush naman niya pala talaga ako eh.
"VINCENT!!! Gising na!" biglang may yumuyugyog sa akin at sumigaw pa talaga sa tenga ko. "Dali na! Male-late ka na."
"Opo! Ito na po."
Nag-inat inat muna ako bago pumasok sa banyo.
Hay! Panaginip lang pala yun. Buong akala ko totoo na, sayang naman.
"Lord, promise magiging mabait na ako sa kanya. Tulungan nyo lang po akong mapapayag siyang maging girlfriend ko." dasal ko habang naliligo.
*tok!tok!
"Hoy! Bilisan mo! Ikaw bata ka male-late ka na nga, nagsasalita ka pa mag-isa dyan." sabi naman ni mama tapos kinatok pa yung pinto ng banyo.
Pagkatapos kong maligo, nagbihis kagad ako tapos kumuha na lang ako ng tinapay sa lamesa tyaka nagmamadaling umalis kasi 10 minutes na lang late na ako.
BINABASA MO ANG
Just Call It Karma
RomanceAng story ay tungkol sa past at present na nag-aagawan para maging future. "If loving you is KARMA, I will still love you." "KARMA, good for me, bad for you.