Ooops! I almost forgot. (^-^) Ako nga pala si Gabriel Anne Corteza, Gab ang tawag nila sakin at kung minsan pango. Nickname pa lang lalaking-lalaki na 'no? Bansag nila sa akin yan eh, daig ko pa daw kasi ang lalaki kung kumilos at sobrang hilig ko rin kasi sa basketball. Bunso kasi ako sa aming tatlong magkakapatid tapos bata pa lang ako laging basketball ang pinapanuod nila kahit nanay ko nga eh, kaya ayun! Nakahiligan ko na.
Maganda? May isang nagsabi.
Sino? Edi ako lang naman.
May katangkaran, morena, pango ang ilong. Matalino naman pero tamad ako mag-aral.
*Paaakkk!
"Aray!"
"Tulala ka na naman!" bwiset talaga 'tong si Michay, bigla-bigla na lang namamalo.
Si Michelle Pedrosa, ang bestfriend ko. Michay for short, palayaw daw sa kanya yan nung pinsan niyang bulol kasi hindi daw mabanggit yung Michelle kaya Michay na lang. Kapitbahay kasi namin siya, bata palang kami magkaibigan na kami nito eh. Pareho kaming second year highschool pero sa ibang school siya nag-aaral, pinipilit ko ngang mag-transfer siya sa school ko eh para same school kami at baka maging magkaklase pa kami. Maganda siya, no doubt. Kabaligtaran ko nga 'to eh, kung anong boyish kong kumilos eh siya namang kikay niya kung gumalaw at pumorma. Maganda rin naman ako, siya chubby tapos ako naman sexy. (^_^)
"Kailangan talaga mamalo porket tulala?"
"Eh b-bakit ka ba kasi tulala? K-kanina pa kaya kita hinahabol, a-ang bilis mong maglakad. T-tinatawag kita pero 'di ka naman lumilingon." hingal na hingal siya kaya uutal-utal siya kung magsalita.
Sabay labas naman ng panyo tapos pinunasan yung noo niya kahit wala namang pawis, nako!
Naglalakad kasi ako pauwi galing school tutal walking distance lang naman yung school namin mula sa bahay.
Siguro pagkababa niya ng jeep dun sa kanto, nakita ako nito ni Michay kaya hinabol niya ko para sabay na kami. Magkatapat lang kasi ang bahay namin eh.
"Wala, may lalaki lang kasi akong kinaiinisan sa school. Inaasar kasi ako tapos pikon naman siya."
"Aba! Sino naman yan? Baka crush ka friend! O di kaya...OMG! CRUSH MO 'NO?!" tapos biglang ngumiti ang loka-loka na akala mo siya yung crush sa kilig. Crush?! Baka! Tss! Hindi ko siya type 'no!
"Huwag na nga natin pag-usapan, nakakaasar lang kasi eh!" nagsalubong na naman ang kilay ko.
"Owwkay...Chill...Kalma lang." aba! Madali naman palang kausap.
Naglakad kami ni Michay hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay namin.
"May bisita pala kayo eh, 'di na muna pala ako pupunta sa inyo." mukang bigtime yung bisita nila Michay, ang ganda ng kotse eh.
"Ano ka ba okay lang na pumunta ka 'no, dun naman tayo sa kwarto ko tyaka tito, tita ko lang yan tyaka yung dalawa kong pinsan."
"Hindi, bukas na lang pag wala na kayong bisita kasi nakakahiya."
"Sayang! Papakilala pa naman sana kita sa pinsan kong si Vingot pero dibale malapit lang naman bahay nila dito eh, bagong lipat sila. Pagbumisita kami, isasama kita."
"Hala! Nakakahiya kaya, huwag mo na ako isama sa kanila. Nga pala, bingot talaga yung pinsan mo?" social ah! Biruin mo malapit lang pala bahay nila dito, nagkotse pa.
"Hindi 'no! Palayaw ko lang sa kanya yun, siya nagpalayaw sa'kin ng Michay." psh! Akala ko naman bingot talaga yung pinsan niya. "Ano papayag ka na ba? Pag 'di ka pa pumayag, hindi na kita ililibre kahit kailan."
BINABASA MO ANG
Just Call It Karma
RomanceAng story ay tungkol sa past at present na nag-aagawan para maging future. "If loving you is KARMA, I will still love you." "KARMA, good for me, bad for you.