Gab's POV
"Gab!!! Naalala ko na naman nung sinalo ka ni Michael sa gym kasi tinulak ka ni ano. Kinikilig ako!" akala mo kinu-kuryente si Cha sa kilig.
"O?! Ano namang mayroon dun? Parang sinalo lang eh."
"Sus! Ikaw talaga! Alam ko namang crush mo si Michael eh!" pinalo ko nga siya sa braso ng malakas. "Aray! Masakit yun ah!"
"Tumahimik ka nga. Ang ingay mo kasi baka may makarinig sayo."
Nandito kasi kami ngayon sa gym. Break time naman kaya tambay muna dito, ang crowded kasi sa baba at lalo na sa canteen.
"Wala namang ibang tao eh." pagpaliwanag niya
"Kahit na. Secret lang natin yun diba."
"Pero diba niligawan ka na niya nung first year tayo? Bakit 'di mo sinagot eh crush mo naman siya?"
"Ayaw kasi nila mama na mag-boyfriend ako. Crush ko lang naman siya eh, syempre gusto ko yung first boyfriend ko yung lalaking mahal ko at hindi lang basta yung crush ko lang."
Ewan ko rin kung bakit di ko siya sinagot dati. Biglaan naman kasi eh.
"Ang arte mo! Ang sabihin mo, takot ka lang masaktan. Natatakot ka kasi baka ikaw magbayad sa lahat ng kalokohan ng kuya mo."
Psh! Dami talagang alam nito tungkol sa akin. Totoo naman kasi talaga yung sinabi niya. Ayokong ako ang tumanggap lahat ng karma na dapat sa kuya ko.
Yung kuya ko kasing panganay na si Kuya Joshua, sobrang playboy. Ang daming girlfriend, halos pinagsasabay niya talaga. Kabaligtaran talaga siya ni Kuya Bon, kaya hindi rin kami magkasundo.
"Tumigil ka nga! Hindi ako takot masaktan 'no. Upakan ko pa yung lalaking magtatangkang manakit sa'kin."
"Edi upakan mo na si Vincent. Hahahaha!" loko talaga 'to, nasali na naman yung bwiset na yun sa usapan. At tumawa pa talaga siya, napaka loka-loka!
"Manahimik! Ibalik na lang natin kay Michael yung usapan, dali!" medyo maharot din ako minsan. Bakit ba? Babae pa rin naman ako, di lang halata.
"Si Michael yung crush mo. OMG! Nagba-blush ka te."
Vincent's POV
"Manahimik! Ibalik na lang natin kay Michael yung usapan, dali!"
"Si Michael yung crush mo. OMG! Nagba-blush ka te."
So? Crush mo pala si Michael ha. May naisip na naman ako, tignan na lang natin kung hindi ka lalong mainis sa akin.
Sabi nga nila, ASAR TALO!
Hindi ko naman intensyon na makinig sa usapan nila, medyo malakas naman kasi boses nila.
Balak ko sanang tumambay sa gym kaya lang narinig kong may dalawang babaeng nag-uusap. Sinilip ko kung sino at nakita kong si Gab at Cha iyon.
Math time na naman. Spell Math, B-O-R-I-N-G.
Buti na lang lumabas yung teacher namin kasi tinawag ng principal, may conference daw.
"MICHAEL! Halika nga dito pre." medyo nilakasan ko talaga yung pagsabi ng Michael kasi pinaparinig ko kay Gab.
Buti naman naki-ride si Michael at lumapit sa'kin.
"Oh?! Bakit?"
"Balita ko may nagkaka-crush sayo ah." napansin kong tumingin si Gab kay Adrian.
BINABASA MO ANG
Just Call It Karma
RomanceAng story ay tungkol sa past at present na nag-aagawan para maging future. "If loving you is KARMA, I will still love you." "KARMA, good for me, bad for you.