Gab's POV
Hala! Bumagsak si Vincent! Loko masyado yung kalaban nila ah! Grrr!!!
"Eh hindi kasi tama yun! Tignan mo yung braso niya dumudugo na!" tinuro ko ang braso niyang dumudugo at tyaka ko lang na-realize na ako naman talaga ang rason kung bakit dumudugo ang braso niya ngayon. "T-teka, dugo? B-braso?" bigla akong na-guilty, kasalanan ko talaga yun eh
"Gab, kaysa magalit ka dyan. Ibigay mo na lang yung tubig na binili mo kay Vincent." biglang nagsalita si Cha. Tama! Ibibigay ko 'to para maging okay na kami.
Lumapit ako kay Vincent para iabot sa kanya yung tubig na binili ko.
"Vincent, tubig o. Sorry ha." sinabi ko yan sa pinaka-sincere na paraan.
Pero imbis na abutin, tinapik niya ang kamay ko ng malakas kaya tumalsik ang bote. Tumingin ako sa paligid namin at nakita kong halos lahat ng tao sa gym ay nakatingin sa amin.
"Sa tingin mo madadaan mo 'ko sa ganyan! Umalis ka nga sa harapan ko!" bigla niya akong tinulak at dahil dun na out of balance ako.
Waaahhh!!! 1...2...3...
Hinihintay kong lumagapak ang pwet ko sa sahig pero hindi eh, sinalo lang naman ako ni Michael.
Oh Michael! You're my hero!
Kikiligin na sana ako eh kasi nasalo ako ni Michael tapos may eye-to-eye contact pa, kaya lang bigla kong naisip yung ginawa sa'kin ni Vincent.
Argh! Nakakahiya!!!
Nakakainis din!
Ang sama niya!
Kaya tumayo agad ako tapos tumakbo palabas ng gym, na umiiyak pero agad kong pinupunasan yung mga luhang pumatak gamit ang kamay ko para hindi nila makita.
Sincere naman ako sa paghingi ko ng sorry sa kanya, bakit ang rude niya naman sa'kin?
Habang mag-isa akong naglalakad pauwi, hindi ko na napigilang hindi umiyak ulit. Mukha tuloy akong tanga. Pero nang malapit na ako sa bahay agad kong inayos ang mukha ko, pinalitan ko ang lungkot ng saya kasi baka magtanong pa sila mama.
*bzzzttt...
From: Cha
Hey friend. Okay ka lang ba?
To: Cha
Oo naman. Ako pa ba? :D
Sasabihin kong okay ako kahit hindi, ang sinungaling ko naman! Pero kailangan eh, ayoko kasing may naaawa sa'kin. Ayoko ring ipakitang mahina ako.
*bzzzttt...
From: Cha
Huwag mo na isipin yun ha. Hayaan mo na lang siya, huwag ka nang hihingi ng sorry. He is not worth it. :)
Tama si Cha, hindi siya karapat dapat para sa sorry ko pero guilty pa rin ako. Slight lang naman. (^-^)
To: Cha
Oo, hindi na. Siguro sapat na yung ginawa ko, nasa kanya na lang talaga yun kung papatawarin niya ako pero hindi ko na inaasahan yun. Wala na akong paki. :)
From: Cha
That's the spirit girl! :D May volleyball game pala tayo bukas, after ng game ng basketball. Maglalaro ka ba? :)
May game pala kami bukas. I'm not feeling well, hindi ko alam kung bakit sumama bigla pakiramdam ko siguro dahil 'to sa gala namin ni Michay nung isang araw. Bigla kasing umulan eh tapos wala kaming dalang payong.
*Flashback
"Michay, saan ba kasi tayo pupunta?" kanina pa kami lakad ng lakad dito sa kalsada, ang sakit na ng paa ko at yung ilong ko for sure puro itim na dahil sa usok ng tambutcho ng mga sasakyan.
"Dun sa bahay ng pinsan ko, sabi nila mama dito daw yung bagong bahay na nilipatan ng mga pinsan ko."
"Pa'no natin malalaman kung alin dito yung bahay nila? Alam mo ba yung itsura?"
"Hindi. Pero alam ko naman yung itsura ng sasakyan nila, syempre naka-park yun sa tapat ng bahay nila."
"Magse-seven na oh. Umalis tayo sa bahay ala-singko, dalawang oras na tayong naghahanap."
Halos paulit-ulit na ang ang nadadaanan namin pero hindi pa rin namin makita yung bahay ng pinsan nila.
"Uy! Umaambon na. Uwi na kaya tayo. Tyaka malapit na malapit kaya 'to sa school, baka makita pa ko ng mga teachers ko tapos sabihin gala ako masyado."
"Saglit na lang talaga."
Bigla na lang bumuhos ang malakas na ulan kaya napatakbo kami ni Michay. Wala naman kaming mahanap na masisilungan tapos kung kailan kailangan namin ng tricycle tyaka pa walang dumadaan.
Dumiretcho kaming dalawa sa kanya-kanya naming bahay. Pumasok ako sa bahay namin nang basang-basa tapos nasermonan pa ni mama.
*End of Flashback
To: Cha
Try ko maglaro. Medyo masama kasi pakiramdam ko eh.
*bzzzttt...
From: Cha
Sige. Sana makalaro ka. :)
Adrian's POV
Ang boring ng araw na 'to. Ang tamlay kasi ng crush ko.
Loko kasi talaga 'tong si Vincent eh, pinahiya si Gab. Pinahiya sa harap ng maraming tao ang crush ko. I hate you bro! Kahit bestfriend kita!
"Gab, patulong naman sa math."
"Maya na lang pre, masakit ulo ko eh." masakit lang ba talaga ulo mo o apektado ka pa rin sa nangyari? Don't lie to me, crush naman.
"May sakit ka ba?" dinikit ko ang kamay ko sa noo niya tapos sa leeg. "Mainit ka ah. Dalhin na kaya kita sa clinic."
"Timang! Okay kang ako no. Uminom naman na ako ng gamot." sabay nginitian na niya ako.
Gab naman! Hinay-hinay lang sa ngiti, kinikilig ako. (^_^)
"Sigurado ka? By the way, about sa nangyari kaha-"
"Huwag na lang nating pag-usapan yun." biglang nawala yung ngiti sa muka niya.
"Sorry."
"Ano ka ba! Bakit ka nagso-sorry? Eh wala ka namang kasalanan." tapos ngumiti ulit siya at kinurot ako sa braso.
"Aray naman."
"Ang kalmado masyado ng aray mo ah? Hindi masyadong malakas 'no?"
"Weak ka kasi."
"Ewan ko sayo! Baka ikaw! Hay nako! Sumasakit ulo ko sayo."
"Ako kinikilig ako sayo." pabulong kong sinabi.
"Ano yun? May sinasabi ka?"
"Ha?! Ah eh, wala wala."
"Goodluck pala sa game nyo. Galingan mo ha. Pagnatalo kayo, uupakan kita."
"Oo naman, para sayo gagalingan ko. Naks! Uy! Kinilig siya!"
"Leche! Sipain kita dyan eh! Ang korni mo."
"Sus! Kinikilig ka naman talaga. Oh! Nagba-blush pa."
"Adrian! Tara na. Bihis na daw tayo." panira talaga ng moment 'tong si Vincent, bigla-bigla na lang nasingit eh. Nagkukulitan pa kami ni Gab eh, bigla tuloy sumimangot ulit.
Nako! Umayos ayos ka talaga Vincent. Kukutusan na kita pag-inaway mo pa ulit si Gab.
BINABASA MO ANG
Just Call It Karma
RomansaAng story ay tungkol sa past at present na nag-aagawan para maging future. "If loving you is KARMA, I will still love you." "KARMA, good for me, bad for you.