Vincent's POV
December, 12, 2012
Hinding-hindi ko makakalimutan 'yang date na 'yan kasi ang dali kayang tandaan dahil puro 12 lang. At 'yan din yung date na sinagot ako ng reyna ko. So, ngayon ako na yung hari niya. Hari ng Kunot kilay.
Pagpasok ko sa school gym, naka-kunot yung kilay ko. Habang palapit naman ako, nakatingin siya sa akin. Hindi ko inalis ang pagkaka-kunot ng kilay ko hanggang sa makalapit ako sa kanya.
“Umagang-umaga naka-kunot yung kilay? Badtrip?” effective ang pag-kunot ng kilay kasi napansin niya kagad ako.
“Hindi ah. Ikaw anong reason mo kung bakit laging naka-kunot 'yang kilay mo?” balik kong tanong sa kanya, na naging dahilan ng pag-kunot ng kilay niya.
“Wala. Hindi naman naka-kunot kilay ko eh.”
Anong wala? Wala siyang rason kung bakit laging naka-kunot kilay niya? At anong hindi? Hindi ba niya alam na laging naka-kunot kilay niya?
“Lagi kayang naka-kunot kilay mo. Tignan mo.” sabay tapat ko ng mirror sa kanya.
“Wow! Ang ganda naman ng babaeng 'to.” sabi niya. Baliw talaga 'tong babaeng mahal ko. Pero I agree, maganda siya.
“Oo nga! Ang ganda! Swerte naman ng boyfriend niyan. Maganda yung babae edi gwapo din yung boyfriend niyan.” sabi ko naman.
Syempre gwapo ako. Sabihin mo na Gab, dali!!!
“Hindi eh.” sabi naman niya kaya nalungkot naman ako sa sinabi niya.
Hindi daw ako gwapo sabi ng girlfriend ko?
“Hindi ako gwapo?” sabi ko sa tonong malungkot tapos nakayuko.
“Hindi. Hindi taken itong babaeng maganda, single, walang boyfriend.” sabi na naman ni Gab.
Nawala yung lungkot na nararamdaman ko, bagkus napalitan ng galit. Nakakainis kaya yun, kami na diba?! Sabi niya sinasagot na niya ako. December,12, 2012 pa nga eh, saktong 12a.m. Pero bakit sabi niya single siya! Ano 'to lokohan?!
Tumayo ako at nagsimula ng maglakad. Magkatabi kasi kami sa gym. Hindi pa ako nakakalayo nung nagsalita siya.
“Uy! Vincent! Joke lang.” sabi niya.
“Jokes are always half meant.” yan ang sinabi ko bago tuluyang maglakad palayo.
Michay's POV
Nandito na naman si Vincent sa bahay at may good news at bad news daw siya sa akin.
Good news, sila na ni Gab. Sobrang masaya ako para sa kanila.
Bad news, magkaaway sila. Ay hindi pala! Nagalit siya kay Gab dahil sa sinabi daw nito.
“Pala-biro talaga yun si Gab, hindi naman niya siguro intensyon na masaktan ka diba. Intindihin mo na lang.” paliwanag ko sa kanya. Tumahimik lang ito at walang kibo. “Teka nga! Tatawagan ko.” nilabas ko yung phone ko mula sa bulsa ko at agad kong tinawagan si Gab.
Ang tagal naman niyang sagutin.
“Hello Gab? Hello?” sabi ko, pero hindi siya nagsasalita.
Narinig ko na lang na may dalawang nag-uusap sa kabilang linya.
[Cha, kami na ni Vincent. Nagawa ko yung plano ko. Napaibig ko siya.]
Alam kong si Gab yung nagsalita. Mukhang may kausap ata siya na Cha ang pangalan. Kung may kausap pala siya bakit naman niya sinagot yung tawag ko? Pero mukhang hindi yun ang dapat na mas isipin ko.
BINABASA MO ANG
Just Call It Karma
RomanceAng story ay tungkol sa past at present na nag-aagawan para maging future. "If loving you is KARMA, I will still love you." "KARMA, good for me, bad for you.