Michay's POV
"Hoy Gaboy! Gumising ka na! DALI!"
Bigla naman itong tumagilid sa pagkakahiga at nagtakip ng unan sa mukha.
"Gumising ka na kasi!" sabay kiniliti ko siya sa tagiliran niya.
"Ano ba Chay?! Sabado ngayon, walang pasok. Ngayon lang ako magbabawi ng tulog eh inaantok pa ko." halatang nayayamot siya dahil sa ginigising ko siya.
"Aalis tayo, magswi-swimming tayo!" masaya kong sabi.
"SWIMMING?!" bigla siyang napabangon tapos tumingin sa akin at nanlaki ang mga mata habang nakakunot ang mga kilay.
"Magswi-swimming nga tayo, isasama ka namin nila mamay. Pinagpaalam na rin kita sa mama mo kaya okay na lahat."
"Duh?! Di mo man lang ako sinabihan kagabi, di pa ko nakapag-ayos ng mga damit at gamit ko."
"Keep kalma okay? Ayos na lahat ng gamit mo, wala ka ng dapat problemahin. Wala na ring maraming tanong at mag-ayos ka na lang ng sarili mo. BILIS na!"
"OKAY!" tumayo na siya at naglakad papunta sa banyo.
Pagkalipas ng 30 mins. ay bumaba na ito mula sa kwarto, sa may sala ko na kasi siya hinintay.
"Bakit ganyan suot mo?! T-shirt talaga at pants?! Girl, swimming yun ha hindi mall."
"Bakit? Anong problema sa suot ko? Ba-byahe pa naman tayo ah, di naman kagad swimming paglabas ko ng bahay diba."
Nakakaloka talaga 'tong babaeng ito. Hindi talaga mahilig magdamit ng dress or di kaya shorts. Mapagsho-shorts ko din yan, no choice siya.
Sumakay na kami sa sasakyan namin at pumunta na sa isang beach resort sa Batangas. Pagdating namin dun, nagpunta kagad kami ni Gaboy dun sa room namin. Magkasama kasi kami sa kwarto tapos ibang room sila mamay at papay.
Oo nga pala, Gaboy talaga tawag ko sa kanya kasi akala mo nga lalaki. Daddy's girl kasi eh tapos nag-iisang babae pa. Opposite ko siya kasi ako kikay eh pero kahit ganon bestfriends pa rin kami.
"Gaboy! Ito isusuot mo ha." sabi ko sa kanya habang siya busy sa pagtingin sa view doon sa terrace.
"Sige lagay mo lang dyan."
Wala siyang magagawa ngayon, puro shorts, dress at swim suits ang pinadala kong gamit niya. Marami talaga siyang mga kikay na damit kaya lang ayaw niyang suotin. Ngayon masusuot na niya at dahil sa akin yan. Sinigurado ko ding madumi yung damit niya para no choice siya kung hindi suotin yung damit na dinala ko.
Bwahahaha! Ang sama ko, kunyari di ko sinasadyang matapunan siya ng chocolate drink kanina nung nasa sasakyan kami.
"Hintayin na lang kita sa cottage natin ha, tapos na kasi akong magbihis eh. Ikaw naman di ka pa nakilos."
Kailangan ko na ding umalis kasi for sure aawayin ako nito kapag nakita niya yung ipapasuot ko sa kanya.
Vince's POV
Sa wakas kakain na, kanina pa ako nagugutom eh. But wait! May chikababes akong nakikita.
Grabe! Palapit na siya. Malapit na!
Biglang kumunot yung kilay niya pero okay lang maganda pa rin siya at papunta pa siya dito.
Ang ganda niya! Bagay sa kanya yung dress tapos naka-shades pa siya at nakapusod ang buhok.
BINABASA MO ANG
Just Call It Karma
RomansaAng story ay tungkol sa past at present na nag-aagawan para maging future. "If loving you is KARMA, I will still love you." "KARMA, good for me, bad for you.