Chapter 1- Meet Him and The Girl in the Past

299 36 64
                                    

Pwede ba yun? Na mahalin mo ulit ang taong dati mo nang minahal? Sa totoo lang hindi ko rin alam eh. Isang beses pa lang naman kasi akong nagmahal at katulad ng love story ng iba, nasaktan lang ako.

Pero, bakit mo mamahalin ulit? Eh kung talagang deserving naman talaga siyang mahalin eh dapat nung una pa lang eh hindi na nawala yung pagmamahal mo sakanya. Diba? Kasi may word na ulit eh.

Hay nako! Basketball na lang pag-usapan natin mas okay pa yun eh kaysa sa love.

Vincent's POV

Ay! Oo nga pala. Ako si Vincent Serva, isang second year highschool. Mahilig akong maglaro ng basketball, gwapo? Pwede na rin. Ideal guy? Ewan, siguro, baka. May katangkaran. Never pa kong nagka-girlfriend, pero may niligawan ako dati. I really like her pero sinaktan niya ako. Wala eh, busted ako.

Her name is Jessica April Tan, mas gusto niyang tinatawag ko siyang Jessy or Jess kaysa sa April. May kaya ang family nila at kabi-kabilaan ang business. Maganda din siya, maputi, hindi nga lang katangkaran pero palaayos naman siya ng sarili kaya lalo siyang gumaganda. Matalino rin siya. Full package ika-nga nila kaya sobra ko siyang minahal dati at sobra rin akong nasaktan.

Actually, grade six pa lang kami nung niligawan ko siya and after ng graduation namin hindi ko na alam kung saan na siya nag-highschool. Sabi naman niya gusto niya rin ako pero magkakalayo daw kasi kami at ayaw niya ng Long Distance Relationship kaya mas pinili niyang busted-in ako tapos iwan na lang.

After that day na busted ako, sabi ko sa sarili ko sapatos na lang ang mamahalin ko kaya nag-collect na lang ako ng shoes. Mapa-nike or adidas, Kobe or Jordan, isama mo pa yung kay Rose. Sila ang mahal ko ngayon, ang mga sapatos ko.

Hindi ko alam kung bakit tamad na tamad akong pumasok. Pakiramdam ko, pagod na pagod ako.

Pagpasok ko sa classroom...

"Oh! Goodmorning Mr. Serva, masyado ka pang maaga para bukas." bungad sa akin ni Ms.Sanchez.

"Sorry miss na-late kasi ako ng gising eh." tapos nginitian ko siya, yung labas ipin pa.

"Okay! Isa pa 'yang buhok mo ha, pagupitan mo na yan at tapos na ang summer. Dun ka na umupo sa tabi ni Santos."

Umupo na kaagad ako sa tabi ni Cha.

Si Cha Santos, ang makulit na pang-asar, may katangkaran, maganda at mahilig sa basketball. Siya ang magiging seatmate ko.

"Hoy Vince! Ayos buhok natin ah, muka kang manok." sabay tumawa, aba! Etong babaeng 'to ah.

"Gwapo naman."

*Paaakkk!!!

"Aray ko naman Gab!" sabi ni Adrian, hinampas kasi siya ni Gab ng malakas dahil nagkukulitan sila.

"Uy! Gab at Adrian baka magkatuluyan kayo. Ayiiieee!" asar ni Cha kanila Gab at Adrian kaya napalingon sila sa'min.

Bale yung upuan kasi nila nasa harapan lang namin kaya isang lingon lang nila sa likod, kami na ni Cha ang bubungad sa kanila.

"Oo nga, bagay kayo. Isang tibo at isang bakla. Joke lang Adrian!" dagdag ko pa.

"Baka tibo!" sabi ni Gab.

Si Gabriel Anne Corteza, pango for short. Siga kaya yan tapos parang lalaki kung kumilos at halos puro lalaki din ang kakulitan pero itsurang babae naman siya eh. Nako! Grade 3 pa lang kami classmate ko na yan pero hindi kami close kahit na halos lahat ng lalaking classmate namin ka-close niya. Hay! Ewan ko ba. Sayang nga 'tong babaeng 'to eh, ang ganda pa naman kaso mas lalaki pa ata sa'kin.

Just Call It KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon