Vincent's POV
Parang ang tamlay ni Gab ngayon, hindi naman siya ganyan dati. Ngayon ko lang siya nakitang matamlay. Is it because of me? I mean, is it about what happened yesterday?
Argh! I hate this feeling!
Naririnig ko ng konti yung usapan nila Adrian tyaka Gab. Nakakairita!
"Gab, patulong naman sa math." kapal nitong si Adrian, nagpapatulong pa kay Gab.
"Maya na lang pre, masakit ulo ko eh." may sakit ba siya? Hala! Okay lang kaya siya.
"May sakit ka ba?" hinipo niya yung noo ni Gab tapos yung leeg, simpleng the moves din 'tong si Adrian. "Mainit ka ah. Dalhin na kaya kita sa clinic."
"Timang! Okay kang ako no. Uminom naman na ako ng gamot." yun oh! Ngumiti na siya.
"Sigurado ka? By the way, about sa nangyari kaha-"
"Huwag na lang nating pag-usapan yun."
Nanghina ako bigla dun ah. Nakita kong lumungkot ulit siya. Naiinis ako kada-naaalala ko yung nangyari. Nagi-guilty ako!!!
*Flashback
"Vincent, tubig o. Sorry ha."
Tinapik ko ng malakas yung kamay niya kaya tumalsik yung bote.
"Sa tingin mo madadaan mo 'ko sa ganyan! Umalis ka nga sa harapan ko!" tapos tinulak ko siya.
Hindi ko alam kung bakit ko ginawa lahat ng yun. Nadala lang siguro ako ng galit dahil dun sa ginawa ng kalaban namin na bumangga sa akin tapos di pa tinawagan ng foul.
Buti na lang nasalo siya ni Michael at hindi siya bumagsak.
Pagkatayo niya, tumakbo siya palabas ng gym and I saw tear drops from her eyes.
*End of Flashback
"Goodluck pala sa game nyo. Galingan mo ha. Pagnatalo kayo, uupakan kita." naiinggit naman ako, buti pa si Adrian sinabihan niya ng goodluck.
"Oo naman, para sayo gagalingan ko. Naks! Uy! Kinilig siya!" tigilan mo nga yan Adrian, nakakainis ka na!
"Leche! Sipain kita dyan eh! Ang korni mo."
"Sus! Kinikilig ka naman talaga. Oh! Nagba-blush pa."
Tsss! Nakaka-BWISET!!!
"Adrian! Tara na. Bihis na daw tayo." tigilan mo na yang kalandian mo kay Gab.
"Sige, sunod na lang ako."
Nagpaiwan pa si Adrian dun sa room, nakakainis talaga! Bahala nga sila! Basta ako lumabas na ako para magbihis, ayoko ngang makita yung panghaharot niya kay Gab.
"Panira ka ng moment kanina bro, nag-uusap pa kami ni Gab eh." sa wakas, sumunod na rin itong ugok na 'to.
"Bakit naman? Gusto mo siya 'no?"
"Hindi ah! Syempre magpapatulong pa nga ako sa math eh, di pa niya ako tinutulungan."
"Alam mo, ang user mo. Hindi maganda yan."
"Mas hindi naman maganda yung ginawa mo sa kanya." tama ka dun pre.
"Tumigil ka nga dyan. Nabigla nga lang ako diba."
"Kung ganon edi humingi ka ng sorry sa kanya." hihingi ako ng sorry? Is he out of his mind?
"Ayoko nga, kinalmot niya ako eh."
BINABASA MO ANG
Just Call It Karma
RomanceAng story ay tungkol sa past at present na nag-aagawan para maging future. "If loving you is KARMA, I will still love you." "KARMA, good for me, bad for you.