Gab's POV
Iniisip ko pa lang na may ibang humawak sa bola ko, pakiramdam ko makakapatay na ako.
Yes! Makakapatay ako dahil lang sa isang bola. Pero para sa akin kasi hindi lang siya basta bola, I mean may value kasi siya. Mahalaga siya sa akin at ayokong may ibang hahawak dun kahit na sinong presidente pa.
Siguro nagtataka kayo kung bakit ganon siya kahalaga sa akin. Bigay kasi siya ng isang taong mahalaga sa akin at naging malaking bahagi siya ng buhay ko.
*bzzzt...
From: Michael
Saan ka nagpunta? Balik ka na dito kasi nandito na si miss. Maya na natin hanapin yung bola mo, huwag ka na mag-worry kasi tutulungan kitang hanapin yun. :)
Nakakapanibago ata ah. Dati bigla na lang niya akong hindi pinansin after nung nangyari samin tapos ngayon nawala lang ako, nagtext kagad. Kung dedmahin niya ako dati, anyare?!
Uy! Hindi yung below the belt yung tinutukoy ko na nangyari ha! Basta, one day malalaman niyo rin kung ano yung nangyari na yun. For now, ayoko munang pag-usapan at isipin pa yun.
Halos nalibot ko na ang buong school, lahat ng sulok ng gym pinuntahan ko na kasi ang natatandaan ko doon ko lang naman siya huling nilaro eh pero wala at buong araw ko na ring hinanap pero wala pa din.
Dahil sa uwian na, nag-decide ako na umuwi na kahit na sobrang labag ito sa loob ko eh wala akong magawa. Hindi naman pwedeng umuwi ako ng late dahil lagot naman ako kay mama.
Habang naglalakad ako pauwi, nakita kong may tatlong lalaking parang gustong kunin yung bag nung isang lalaking naka-school uniform pa ng school namin pero ayaw niyang ibigay kaya sinuntok siya.
Nilapitan ko at nakita kong kilala ko yung tatlong lalaki, yung isa kasi dun classmate ko na taga-samin, si Aldrich Reyes at yung dalawa naman mga tropa niya.
"Hoy!" sigaw ko sa kanila at sinusuot ko na yung dalawang singsing ko sa hintuturo ko at sa hinliliit.
Sabi kasi ng kuya ko kapag gusto ko daw na hilo kagad ang taong susuntukin ko, magsuot daw ako ng singsing kasi matigas daw yun at sa mukha ko daw kagad suntukin.
Napatigil sila at napatingin sa akin.
"Boss, pasensya na kung nakaharang kami sa dadaanan mo. Ito kasing lalakeng 'to eh, ayaw pa ibigay yung wallet niya samin." umakto pa siyang susuntukin ulit yung lalaki. "Tyaka diba tinulak ka nito sa gym, pinahiya ka pa."
Hindi ko kagad nakita yung mukha ng lalaki kasi nakatalikod siya sa akin at hindi lumilingon. Siguro akala niya kasamahan din ako nila Aldrich pero duh?! sa ganda kong 'to? Magiging tambay ako? No way!
"Ha? Wala akong matandaan sa sinasabi mo at lalong wala rin akong paki kaya tigilan niyo na siya, kung ayaw niyong humiram ng mukha sa aso." pagbabanta ko.
Pinagsasabi nito?! Medyo badtrip pa naman ako ngayon kasi nawawala yung bola ko. Sakto! Mailalabas ko sa mukha ng tatlong 'to yung inis ko.
"Aba! Matapang 'tong isang 'to ah." sabi nung isang lalaking kasama ni Aldrich.
"Mukhang sawa ka na ata sa buhay mo ah." sabi ko naman sa kanya at tinaasan ko pa ng kilay.
Umaktong susugod na yung lalaki pero pinigilan siya ni Aldrich.
"Huwag tol! Sasabit tayo dyan!"
"Bakit?!" nagtatakang tanong nung lalaki.
BINABASA MO ANG
Just Call It Karma
RomansaAng story ay tungkol sa past at present na nag-aagawan para maging future. "If loving you is KARMA, I will still love you." "KARMA, good for me, bad for you.