Chapter 8- The Ball is missing

128 32 33
                                    

Vincent's POV

Halos kaunti pa lang ang tao dito sa gym. Mukang napaaga ata ako. Dito muna kasi kami pinapapunta tuwing umaga, bago pumunta ng room. Kailangan sabay-sabay kami ng mga kaklase ko at nang adviser namin pagpumunta kami ng room.

Habang naglalakad ako papunta sa right side ng gym, kung saan doon pinapwesto yung section namin ay may nakita akong isang babae.

May hawak lang syang bola tapos pinapaikot niya dun sa isang daliri niya. Medyo maliit lang naman yung bola eh, hindi siya yung katulad ng ginagamit namin sa basketball at mas maliit pa siya ng konti sa bola ng volleyball.

Nakakamanghang tignan kasi ako na kahit lalaki, eh hirap pa ring gawin yun.

Yung pagpaikot ng bola sa daliri.

Medyo natatakpan ng bola yung mukha niya kaya di ko makita kung sino kaya lumapit ako.

"Goodmorning." bati ko sa kanya.

Tinignan lang niya ako at nakakunot yung mga kilay niya na parang nairita.

Nairita ata dahil sa akin?

And sa hindi ko inaasahang taong bubungad sa akin sa umaga at babatiin ko pa ay walang iba kundi si Gab lang naman pala.

"Alam mo maganda ka sana kaya lang nakasimangot ka at ang sungit mo. Suplada ka pa." sabi ko sa kanya tapos nginitian ko siya at lumakad papunta sa upuan sa likod niya.

"Thank you ha, kaya lang wala akong barya eh." lumingon siya sa akin tapos nginitian ako.

"Ha? Ano daw?" bulong ko sa sarili ko.

"Gwapo ka sana kaya lang slow ka." mahinang sabi niya na akala mo bumubulong.

"Gwapo naman talaga ako ah."



"Oh? Talaga? San banda?" tumayo siya at nilapit ang mukha niya sa akin. Akala ko nga hahalikan ako pero hindi, tinignan niya lang ako ng malapitan at tinaasan ako ng isang kilay.

Bigla siyang lumayo at lumakad paalis habang ako naiwang tulala at hindi makagalaw.

Bakit parang nanigas ako nung titigan niya ako ng malapitan? Shit! Pinagpapawisan ako! Hindi ako mapakali!

Maya-maya pa'y may naramdaman akong tumama sa paa ko.

Teka, ito yung bolang hawak ni Gab ah? May nakasulat ata.

GAMI

Ano kaya yun? Gami? Jejemon ba yun ng gummy? Okay baduy na.

Nilagay ko muna sa bag ko yung bola tapos pumunta muna sa canteen para bumili ng maiinom.

Michael POV

"Daming laman ng bag mo ah. Sipag-sipagan!" asar ko kay Vince habang pinapalo-palo yung bag niya. Teka, bakit parang medyo matigas.

"Masipag naman talaga ako eh. Palibhasa kasi ikaw laging gitara ang dala."

Maliban kasi sa basketball, hilig ko ring tumugtog ng gitara. Kung tatanungin niyo kung sino ang nagturo sa akin, kahit nakakahiya mang aminin, eh aaminin ko pa rin. Isang babae ang nagturo sa akin, ang nag-iisang babaeng pag naging akin ay pinapangako kong siya lang ang seseryosohin ko at mamahalin habang-buhay.

Ang saklap lang kasi sa dinami-rami ng babaeng nagkakagusto sa akin at niligawan ko, siya lang bukod tanging hindi ko napasagot ng oo.

Buti na lang talaga hindi nawala yung friendship namin kahit na medyo naging awkward kami sa isa't-isa. Minsan nga nanghihinayang ako eh kasi sana mas close kami ngayon kung di ko siya niligawan.

Just Call It KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon