Chapter 16- Official

37 13 12
                                    

Vincent's POV

"Vincent..." yan lang tanging lumabas sa bibig niya bago niya ako niyakap at naramdaman ko naman na basa na yung balikat ko. Umiiyak siya.

"Ssshhh... Stop crying. Baka isipin nila pinapaiyak kita." pilit ko siyang pinapatahan at hinahagod ang likod niya para i-comfort siya habang nakayakap pa rin sa akin.

"Thank you... Thank you..." paulit-ulit lang niyang sinasabi.

"Tahan ka na. Sige ka, di ko na ibibigay sayo 'tong bola mo. Alam ko namang mahalaga sayo 'to eh." sabi ko kaya bigla naman siyang humiwalay sa pagyakap niya sa akin at nag-pout habang pinupunasan yung mga luha niya. "Hindi ka maganda kapag umiiyak kaya 'wag kang iiyak ha. Nasasaktan akong nakikita kang ganyan." inabot ko naman sa kanya yung panyo galing sa bulsa ko at kinuha naman niya ito.

"Thank you talaga Vincent. Sobrang mahalaga sa akin 'tong bola na 'to." sabi niya.

"I know. Kaya nga sobra kong iningatan 'yan eh tyaka pasensya ka na rin kung 'di ko kagad naibigay sayo, natakot kasi ako na baka magalit ka sa akin eh, baka isipin mo pang kinuha ko." paliwanag ko sa kanya.

"Okay lang. Thank you ulit."

Lumipas ang linggo, napadalas ang pagpunta ko kanila Michay para makasama lang si Gab. Halos dun na nga ako dumi-diretcho kapag galing sa school eh. Naglalaro kami ng paper dolls o di kaya bahay-bahayan, siya si mommy tapos ako si daddy at si Michay daw yung baby. Eh mukhang mas nanany pa nga tignan si Michay eh.

Nanunuod din kami ng basketball o di kaya yung Princess Sarah tapos ginagaya ko si Sarah tapos siya si Miss Minchin.

"Miss Minchin! Miss Minchin!" sabi ko sa kanya at ginagaya ko pa yung boses habang kinakalabit ko siya.

Bigla siyang tumayo at tumingin sa akin habang naka-pamewang at naka-kunot ang kilay. "Ano ba Sarah?! Gusto mo bang dalhin kita sa chimineya at ikulong kita dun kasama ng mga patatas?" ginaya niya rin yung boses ni Miss Minchin tapos pagkasabi niya nun ay bigla siyang tumawa. "Hahahahaha! Parang singit na naipit yung boses mo." sabi sa akin ni Gab

Natawa din ako dahil sa sinabi niya. Para ba talagang singit na naipit yung boses ni Sarah o sadyang yung boses ko lang talaga yung ganon? Maluha-luha kami sa kakatawa at nung na-realize na namin na mukha na kaming tanga, mas lalo lang kaming natawa sa sarili namin.

Ngayon ko lang na-realize na kahit korni nakakatawa din pala. Pero mas nakakatawa palang pagtawanan yung sarili mong mukhang tanga.

Para na akong baliw na nakangiting mag-isa dito sa kwarto ko. Dapat pupunta ako ngayon kanila Michay kaya lang wala naman dun si Gab kasi aalis daw sila ng mama niya. Hindi talaga kompleto araw ko pag di ko siya nakita. Nakakainis kasi walang pasok nagyon. Christmas party daw ng mga teachers and ng mga coordinators ngayon tapos kaming mga students naman sa friday. Di ko tuloy siya nakita ngayon. Naisipan ko na lang na mag-text sa kanya.

To: Reyna ng Kunot kilay

Nakauwi ka na ba? 8p.m na, kain ka na ha. Huwag papalipas. :)

1 hour...

2 hours...

3 hours...

4 hours...

*bzzzttt...

From: Reyna ng Kunot kilay

Sorry late reply. Kakauwi ko lang, ang dami kasing tao sa mall tapos traffic pa. Kumain ka na ba? And by the way, bumili na rin ako ng gift para sa parents mo. :)

Just Call It KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon