Chapter 12- Do I like Her?

111 28 23
                                    

"So you like her?"

"So you like her?"

"So you like her?"

"So you like her?"

"So you like her?"

Do I like her?

Hindi na naman ako makatulog. Ginagambala talaga ako ng sinabi ni mama. 1 a.m na, madaling araw na pero gising pa rin ako. Tinawagan ko si Michay, alam kong ganitong oras gising pa yun eh. Vampire ata yun eh sa gabi gising kahit na may pasok kinabukasan.

Pero nabigo ako kasi hindi niya sinasagot yung tawag ko, so tulog na siya.

Gusto ko ba siya?

Gusto ko na nga ba siya?

Tumagilid ako, dumapa, tumihaya, pero hindi ko pa rin mahanap yung komportableng pwesto ko para makatulog ako. Pero mukang hindi pwesto ng pagtulog ang problema ko kundi si Gab. Hindi kasi siya mawala-wala sa isip ko. Tinamaan nga ata ako sa kanya. Sa tagal na naming magkasama, pakiramdam ko ngayon ko pa lang siya nakilala. Ngayon ko pa lang siya sinubukang makilala at ang nais ko kilalanin pa siya.

Ano lang ba ang alam ko tungkol sa kanya noon?

Lalaki siya kumilos, mas lalaki pa nga siyang kumilos sa akin kaya inaasar ko siyang "tibo" noon eh. Halos lahat din ng mga classmate naming lalaki, ka-close niya, nakakabiruan niya. Pero ako hindi, ni hindi ko pa nga siya nakabiruan eh.

Kilala ko lang talaga siya sa pangalan, hanggang doon lang.

Just Call It KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon