Vincent's POV
Unang araw ng pangliligaw ko kay Gab. Syempre gusto ko 'tong maging memeorable kaya pupuntahan ko siya sa kanila. Malayo pa lang ako ay nakita ko na sila ni Michay na nakaupo sa gilid ng kalsada sa tapat ng bahay nila Michay. May hawak silang kung ano, at dahil sa medyo malayo pa ako sa kanila ay hindi ko maaninag kung ano ito.
Nang mas lalo akong makalapit sa kanila ay napangiti ako. Para silang bata na naglalaro, hindi na sila bata pero naglalaro pa rin sila ng paper dolls. Ang cute nilang tignan at dahil sa busy sila sa kakalaro ay hindi nila ako napansin na kanina pa sila tinitignan.
"Hi.Paper dolls?" bungad ko sa kanila at agad naman silang napalingon sa akin.
"Oh? Bakit nandito ka?" tanong naman sa akin ni Michay.
"Wala lang. Sali ako." aakma na sana akong uupo sa tabi ni Gab kaya lang biglang nagsalita si Michay.
"Hep! Hep! Hep! Bumili ka muna ng paper doll mo dyan sa tindahan, piso lang naman 'to eh. Samahan mo na rin ng v-cut, nova, piatos tyaka ridges, favorite ni Gab yun eh." tinignan ko lang siya at hindi kagad naka-react kasi parang hindi kagad nag-sink in sa utak ko yung sinabi niya. "Please?" tapos nag-puppy eyes siya habang ako naman, kumunot ang noo.
Hi-hindi pa ba ako? Nandoon kaya si Gab, syempre nagpapakitang-gilas ako at kailangan kong duma-moves. Agad naman akong pumunta sa tindahan para bumili ng paper dolls at ng pagkain ni Michay, na sinamahan ko na rin ng isang 1.5 na coke. Dinahilan pa ni Michay na gusto ni Gab yung ridges pero totoo, siya lang naman ang kakain.
Hindi pa ako nanakalayo sa tindahan, naramdaman ko naman na parang may pumatak na tubig sa braso ko. Mukhang uulan pa yata. Pagkadating ko sa tapat ng bahay nila Michay ay wala na sila kaya naisip ko na baka pumasok sila sa loob kasi naambon na. Pagpasok ko naman, nadatnan ko si tita na nanonood.
"Hello Tita, si Michay po?" bati ko kay tita na may kasama pang ngiti.
"Oh Vincent? Hindi ko alam na pupunta ka pala dito. Nasa taas si Michay, sa kwarto niya at kasama si Gab. Akyatin mo na lang."
Umakyat naman kaagd ako sa kwarto ni Michay. Bubuksan ko na sana yung pinto kaya lang bigla itong bumukas at nagkagulatan pa kami ni Gab.
"Sorry. Pasok ka na. Ba-bye, uwi na ako." tapos nginitian niya ako.
"Ako nga dapat mag-sorry kasi nagulat ata kita tyaka bakit naman uuwi ka na? Bumili pa naman ako ng paper dolls tyaka pagkain, kain muna tayo kahit saglit lang." nag-pout ako sa kanya tapos nakita ko naman siyang ngumiti tapos tumango.
Pumasok kami sa loob ng kwarto ni Michay. Si Michay naman, agad kinuha yungg mga pagkaing binili ko at imbes na siya ang kumuha ng baso ay inutusan pa niya ako. Nice diba?
"Ngot, kuha ka naman ng baso sa baba. Dali na." kung wala lang talaga si Gab dito, kanina ko pa nabatukan 'tong babaeng 'to. Panira ng moment eh.
"Hindi ako na lang kukuha." sabi naman ni Gab.
"Hindi, okay lang. Ako na lang." nginitian ko siya tapos tumayo na ako.
"Sige, ako na lang mag-aayos nitong paper doll mo."
Bumaba naman ako at kumuha ng tatlong baso. Pagkaakyat ko sa taas ay naubos na ni Michay yung nova at piatos habang si Gab naman, nakita kong kumakain ng ridges. Mukhang paborito nga niya ang ridges. Agad namang inagaw sa akin ni Michay yung isang baso kaya nabitawan ko yung isa pa at nabasag ito. Dinampot ko naman yung mga bubog ng baso at sa di inaasahang katangahan ay nasugatan ako sa daliri.
BINABASA MO ANG
Just Call It Karma
RomanceAng story ay tungkol sa past at present na nag-aagawan para maging future. "If loving you is KARMA, I will still love you." "KARMA, good for me, bad for you.