Chapter 4- Sinaktan niya ako

164 29 44
                                    

Adrian's POV

"Sabi sayo pare, kakaiba siya eh kaya hindi mo dapat siya inaasar."



"Eh hindi ko naman kasi alam na may sa pusa pala kung mangalmot yung babaeng yun." hay nako! Ito talagang kaibigan ko, pang-asar pero pikon din naman.

"Pero mabait naman yun eh, sobra! As in super bait talaga."



"Mabait?! Tignan mo nga 'tong braso ko." sabay angat ng long sleeve niya para ipakita yung kalmot niya na hanggang ngayon dumudugo pa rin. "Ngayon, sabihin mo ngang mabait pa rin siya."

"Hay nako! Ewan ko sa inyo pre basta para sa akin mabait pa din siya."

Mabait naman kasi talaga si Gab eh. Tinutulungan niya ako sa math tapos pag di ako nakikinig kukurutin at papaluin niya ako sa braso para makinig ako sa teacher namin.

Lalo na pagnatutulog ako sa klase, kulang na lang talaga sipain ako para magising at mawala ang antok ko.

Hindi rin siya madamot kasi kung anong meron siya, binibigyan niya ako. Lahat ng maling ginagawa ko, tinutulungan niya akong gawing tama kahit minsan siya na napapahamak.

"Baka kaya mo nasasabing mabait siya kasi gusto mo na siya 'no? Nakanang! In love ka boy!" in love?! Crush lang naman.

"Tumigil ka nga pre, hindi 'no! Hindi ko siya gusto."



"Sus!"



"Hoy! Dalawang loko! Magpalit na kayo at may game pa tayo." buti na lang tinawag na kami ni Michael kasi kung hindi, kukulitin ako nitong si Vincent na may gusto ako kay Gab.

Baka mamaya mapaamin pa niya ako edi lalo pa niya kong aasarin tyaka ayoko ring malaman ni Gab.

Natatakot kadi akong magbago ang pagkakaibigan namin at mailang siya sa'kin.

Crush ko lang naman siya eh, crush pa lang.


Vincent's POV

"Hay nako! Ewan ko sa inyo pre basta para sa akin mabait pa din siya." itong si Adrian, akala mo boyfriend ni Gab kung ipagtanggol na mabait yung babaeng yun.

"Baka kaya mo nasasabing mabait siya kasi gusto mo na siya 'no? Nakanang! In love ka boy!"



"Tumigil ka nga pre, hindi 'no! Hindi ko siya gusto." sige lang, deny pa more.

"Sus!"



"Hoy! Dalawang loko! Magpalit na kayo at may game pa tayo."



Hay nako! Makapagbihis na nga ng jersey at may game pa kami.

Pumasok na ako sa cr dun sa school gym para magbihis tapos paglabas ko, hindi ko inaasahang nandun sa bench namin si Gab.

Hindi lang naman siya yung nandun pero siya yung unang napansin ko. Ang ganda pala niya. Uy! Teka! Teka! Teka! Hindi, i hate her. Magbabayad siya sa ginawa niya sa'kin.

"Hoy! Pre, tulala ka pa dyan. Tara na! First five tayo." biglang nagsalita si Adrian, hindi ko alam na nasa tabi ko lang pala siya.

"Sige, susunod na ako pre. Isisintas ko lang 'tong sapatos ko at aayusin 'tong ankle support ko." pagdadahilan ko kasi sa totoo lang okay na naman yung sapatos ko pero yung utak ko ang hindi okay. May gumugulo kasi.

Just Call It KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon