Gab's POV
Sino kaya yung lalaki sa bahay nila Michay? 'Di naman siguro boyfriend kasi alam ko wala namang boyfriend yun.
Feel at home na feel at home ah, kung makahiga dun sa duyan oh.
Hala! Mukang nakita niya atang tinitignan ko siya, tago! (0_0)
"Oy! Pango!"
"Ay! Butiki!" etong kuya ko bigla-bigla na lang pumapasok, ni hindi man lang kumatok. Nagulat tuloy ako. "O bakit?!"
"Sino panalo sa nba kanina? 'Di ko kasi napanuod eh."
"Panalo miami, panalo nga ako sa pustahan Kuys eh."
Si Kuya Bon, ang super payatot at makulit kong kuya. Graduate na siya and actually nagte-training na lang siya kaya siguro hindi nakanuod ng basketball kanina. 6years yung tanda niya sa'kin bale siya yung pangalawa sa aming magkakapatid. Sobrang pang-asar kaya yan pero mabait naman, love ako niyan eh. (^-^)
"Yun! Panalo. Libre ka naman dyan, meryenda lang."
"Luh?! One hundred nga lang eh. Bili ka na lang 1.5 coke oh, tapos luto na lang akong pancake." bawas tuloy kagad yung pera ko, nako po! May pinag-iipunan pa naman ako.
"Ayos! Sige sige." aba! Nagtatakbo kaagad pababa ang loko.
Vince's POV
"Uy Vince, intrams na next week ah."
"Hindi nga? Pa'no ba ayos ng teams ngayon, halo ba lahat ng highschool Adrian?"
"By section daw eh bale makakalaban natin yung isang section ng second year tyaka yung dalawang section ng first year."
"Ganun ba? Kaya natin yan, kakampi naman natin sila Michael eh tapos sila Tom tyaka nandun ka naman. Yun oh! Palakpak tenga!"
"Hahaha, ako pa ba? Loko ka talaga 'tol!"
Naglalakad kami ngayon ni Adrian papunta sa room, kakatapos lang kasi ng break namin bale nandito palang kami sa may bridge ng school.
Narinig kong nag-uusap yung dalawang babae sa unahan namin.
"Ano ba yan?! By section pala intrams ngayon, wala na talo na tayo sa basketball." down na down naman si ate, siguro first year palang 'to.
"Ano ka ba? Kaya yan nila Vince 'no. Magaling naman yun." uy! Ako yata yun ah, that's my name. Naks! Magaling daw ako. So hindi pala sila first year. (^_^)
"Yun?! Patpatin naman yun eh, baka isang bangga lang dun tumalsik na yun." grabe 'to ah! 'Di naman ako ganun ka-weak!
"Excuse me. Sinong patpatin?" lumingon siya sa amin, hindi niya talaga alam na nasa likod niya lang ako kaya nagulat siya.
Yung mukha niya naging ganito oh. (°-°) -> (0_0)
"Ikaw!" aba! Biglang nagsalubong yung kilay, tapang talaga neto.
"Tignan nalang natin, Ms. Corteza. Remember, sabi mo bilog ang bola." nginitian ko siya tapos naglakad na ko papunta sa room, inunahan na namin siya ni Adrian sa paglalakad.
"Ayos ka pre, ginanon mo si Gab. Lagot ka dun, nakikita mo ba 'to?" sabay pakita ng braso niya.
"Puro bakat ng kuko yan ah, pinanggigilan ka ata ng pusa ng kapitbahay nyo ang taba kasi ng braso mo pre kaya puro kalmot ka."
"Loko ka pre, si Gab may gawa nito 'no!"
"Ano?!" oh no!
"Hoy! Vince!" slow motion pa yung paglingon ko sa kanya. Bigla akong nakaramdam ng kaba ah. "Eto ang bagay sayo, mayabang ka kasi!"
BINABASA MO ANG
Just Call It Karma
RomanceAng story ay tungkol sa past at present na nag-aagawan para maging future. "If loving you is KARMA, I will still love you." "KARMA, good for me, bad for you.