Chapter 13- Siguro umiibig nga?

99 28 26
                                    

[Nag-text sa akinsiGab, naka-receivedawsiyang death treats. Ang bad naman kasi ng plano niya. So ito na, tignan na  natin kung ano na naman gagawin ni Gab]

Vincent's POV

Ito na naman ako, hindi makatulog. Bakit lagi na lang akong puyat kakaisip? Kailangan kong gumising ng maaga pero paano ako magigising ng maaga kung madaling araw na ay hindi pa rin ako makatulog.

*bzzzttt...

Bigla namang nag-vibrate ang phone ko na nakapatong sa lamesita at agad ko itong kinuha.

Sinong adik kaya ang ganitong oras na ay hindi pa rin natutulog at nakuha pang mag-text?

Teka, ibig sabihin adik din ako kasi hindi pa ako natutulog? Pero hindi ako adik, hindi ako nag-aadik 'no! Hala! Nasisiraan na ata ako ng bait.

From: Reyna ng Kunot kilay
Gising ka pa? :)

Wow! As in wow!

Totoo ba 'to? Si Gab nag-text sa akin?

Syempre, dahil hindi rin ako makatulog ay nag-reply ako sa kanya. Baka kasi mamaya pag hindi ko ni-reply-an, sabihin snob ako.

To: Reyna ng Kunot kilay
Still wide awake, crush. :)

*bzzzttt...

Ang bilis niyang magreply ha. Ako lang kaya ka-text niya?

From: Reyna ng Kunotkilay
Hahaha, crush?! Stop it okay? Pauupakan kita kay Aldrich. :D

To: Reyna ng Kunot kilay
Sige hindi na, sabi mo eh. :)

*bzzzttt...

From: Reyna ng Kunot kilay
Bakit pala hindi ka nalaban kay Aldrich? Matapang lang naman yun sa mga taong hindi nalaban sa kanya eh. Duwag kaya yun. :D

To: Reyna ng Kunot kilay
Hindi lang talaga ako mahilig makipag-away. :) Kung pwede nga lang umiwas sa gulo eh, ayoko din kasing matanggal sa varsity team ng school. :)

Nawala bigla yung antok ko. Parang umurong, nakita ko lang yung text ni Gab. Pati ba naman antok ko, takot sa kanya. 2 a.m na pero magka-text pa rin kami, hindi din kaya siya nakakaramdam ng antok?

Lumipas ang 30 minutes bago ko na-receive ang reply niya.

*bzzzttt...

From: Reyna ng Kunot kilay
Don't worry, ako bahala sayo. :) Ipagtatanggol kita sa mang-aaway sayo. :) Lalaban ako para sayo. :)

Medyo natulala ako sa reply niya. Hindi ko talaga inaasahang sasabihin niya 'yan sa akin.

Siya ang bahala sa akin? Siya ang magtatanggol? Lalaban siya para sa akin?

Napahawak ako sa dibdib ko. Ramdam na ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko. At sabihin niyo ng bading lang ang lalaking nakakaramdam ng kilig pero hindi ko ito ipagkakaila, bading ako este kinikilig ako. May kung anong gumagalaw sa tyan ko, butterflies in my stomach?

Dahil sa natulala nga ako sa text niya, hindi ko namalayang nag-text na pala ulit siya at hindi ko rin pala siya na-reply-an.

From: Reyna ng Kunot kilay
Tinulugan ako? :( Sige, goodnight. :)

Just Call It KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon