Vincent's POV
Hindi ko alam na may exam pala kami ngayon. Hindi tuloy ako nakapag-review. Pero kahit naman dati, na alam kong may exams hindi naman talaga ako nagre-review eh. Hindi naman sa pagmamayabang, hindi naman ako nabagsak. Salamat talaga sa 20/20 vision ko.
Nung nabigay na yung test paper, sinimulan ko ng isulat yung pangalan ko. Unang tanong palang pinagpawisan na ako. Buti na lang at hindi nag-iikot yung teacher na nagbabantay sa amin kaya pagkakataon ko na
Kopya here...
Kopya there...
Kopya everywhere...
“Aral-aral din kasi minsan.” napalingon naman ako dun sa nagsalita. She is not looking at me but she knows what I'm doing. Nakaramdam naman ako ng hiya kaya tumigil ako sa pagtingin sa test paper ng iba kong mga kaklase.
50 items pa naman yung exam namin at science pa, buti na lang nung nahuli ako ni Gab na nangongopya ay 43 items na yung nasagutan ko. Dalawang tanong na lang yung 'di ko nasasagutan tapos essay na lang na 5 points.
Dalawang subjects pa yung exam namin. Filipino tyaka Computer. Yung Filipino kaya ko pa eh, yung Computer lang talaga tapos yun pa yung susunod na exam namin pagkatapos ng Science. Bahala na nga!
Mukhang first time kong babagsak sa exam ah.
I hate computer talaga.
Yung subject lang mismo pero yung mga social networking sites, I love them all.
So ayun! Sa Awa ng Diyos, bagsak ako sa computer exam namin. Hindi pa man nache-check yung test papers namin, alam ko nang bagsak ako sa computer exam kasi sobrang linis ng test paper ko, as in nahiya yung pangalan ko dun sa test paper kasi pangalan ko lang yung tanging sulat dun.
Kahit alam kong babagsak ako kapag hindi ako nangopya sa computer, hindi talaga ako nangopya. Nakonsensya din kasi ako tyaka nahiya din sa mga nagpakahiap mag-aral at hindi nangongopya.
*bzzzttt...
Nag-vibrate yung phone ko. Biglang bumilis yung tibok ng puso ko. I think alam ko na kung sino yung nag-text. Oh My Queen?
From: Reyna ng Kunot kilay
Mag-aral ka na!!!
Like a boss talaga siya.
But I'm willing to obey her because she is My Queen.
To: Reyna ng Kunot kilay
Opo My Queen. Kiss muna. :D
Medyo nabibiro ko na siya ngayon kaysa dati, ang sarap niyang kulitin.
*bzzzttt...
Kitams! Ang bilis na rin niyang mag-reply ngayon, hindi katulad dati na halos mapuyat ako kakahintay sa reply niya.
From: Reyna ng Kunot kilay
Che!!! Gusto mo sipain kita sa mukha! Bwiset!!!!!
Oh diba? Galit na galit siya kagad, akala mo laging meron kung magalit. Text pa lang 'yan, ganyan na ka-intense. Pa'no pa kaya kung personal diba?
To: Reyna ng Kunot kilay
Joke lang eh. Di na mabiro? Ito na magre-review na po. (^_^)
Kinuha ko na yung mga libro at notes ko. May notes ako ngayon, himala! Pina-xerox ko kasi yung sinulat na notes ni Aron, yung seatmate ko.
Nagsimula na akong magbasa ng mga dapat kong aralin. Hindi na rin siya nag-reply kaya nag-focus na lang ako sa pag-aaral. Siguro nag-aaral na rin siya.
BINABASA MO ANG
Just Call It Karma
RomanceAng story ay tungkol sa past at present na nag-aagawan para maging future. "If loving you is KARMA, I will still love you." "KARMA, good for me, bad for you.