BULONG NG DAMDAMIN
Sa tuwing nasisilayan ang maganda mong mukha
Dibdib ko’y kumakaba-kaba
Gustong sabihin pag-ibig na lihim
Sana’y pagbigyan kung iyong mamarapatin.
Nais kong ipabatid ‘tong mensahe kong ito
Ikaw ang nagpaikot nitong mundo ko
Pero kaba ang namamayani
Damdamin hindi masabi.
Kaya sa hangin aking ipatatangay
Kaisa-isang sikretong bagay
Sana lamang sayo’y makarating
Aking BULONG NG DAMDAMIN.
#Taga-ilog09 /02/08/2015
Isa itong tula na pumasok lang sa isip ko sa gitna ng mga oras na wala akong magawa. Inspirasyon?? Syempre meron. At pinapasalamatan ko SIYA para sa binigay nyang inspirasyon para magawa ko ang tula na 'to. <3
BINABASA MO ANG
Bulong ng Damdamin #Wattys2015
PoetryMga tulang binubulong ng damdamin. Mga tulang nais sambitin, sa mga taong nais 'tong intindihin, lalo na sa taong aking mamahalin.