KAPALARAN

219 12 12
                                    

KAPALARAN

 

Sa ibang tao ito raw ay makapangyarihan

Sa ayaw at gusto, hindi daw maiiwasan

Bawat pangyayari, matagal nang itinakda

Nakasulat sa langit, Diyos lang ang may akda

 

Noong nakilala kita, sabi ko “TADHANA NA”

Araw-araw na kasama, gusto mo FOREVER pa

Susuungin ko ang lahat, OO lang ang hangad ko

Dahil naniniwala ako, ikaw ang SOULMATE ko

 

Sabi ng iba, mga pangyayari’y aksidente

Kung ikaw ay aksidente, siguro ako’y swerte

Hindi ba nila naisip, ang lahat ay gawa Niya

Nang ika’y makilala, ‘yon ay may pahintulot Niya

 

Nang ika’y dumating lagi kong pinapanalangin

Bigyan ako ng sign kung ikaw ang para sa akin

Pero kung hindi ikaw ….. EEEH! Sige na ikaw na lang please

Dahil tangi kong pag-asa, tadhanang walang kasintamis.

 

#TAGA-ILOG09 03/20/2015 Mayroong iba na hindi ma-view 'tong story na 'to. EWAN kung bakit. Baka hindi pa nila nakikita ang DESTINY nila. :3

Bulong ng Damdamin #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon