PLUMA
Lapis, bolpen, o anumang panulat
Laging kasama sa paggawa ng kwento’t sulat
Mga mandirigmang sa mga letra isinilang
Panulat at papel laging kasama sa isipan
Jomapa, Plaridel, at Dimasalang
Mga pluma ang ginamit sa panitikan
Upang silaban mga damdamin at himagsikan
Kwento nila , ating sinulat sa kasaysayan
Sa paglipas nila, sumibol kanilang mga anak
Mga bagong makata, sa wattpad dumanak
Sunod sa yapak ng mga dating makata
Handang libangin kayong mga mambabasa
Sa simpleng pagpindot ng nasa itaas na bituin
Sa aming manunulat ito lamang ang hiling
Upang mga gawa’y mabigyan din ng pansin
Gamit ang BAGONG PLUMA, kasaysayan ay uulitin.
#TAGA-ILOG09 02/22/2015
BINABASA MO ANG
Bulong ng Damdamin #Wattys2015
PuisiMga tulang binubulong ng damdamin. Mga tulang nais sambitin, sa mga taong nais 'tong intindihin, lalo na sa taong aking mamahalin.