EARPHONES
Alam kong alam mo na, itong tinatagong damdamin
Datapwat hindi masabi, pag-ibig na di maamin
Sa bawat lirika, mga mensaheng gustong sabihin
Sa bawat nota, mga bulong na di maiparating
Alam kong ramdam mo na, ‘tong aking pag-ibig na tunay
“Tunay nga ba?” iyong tanong, sagot ko “Panghabambuhay”
Walang salita ang sasapat sa paglarawan dito
Pakinggan ‘tong musika, bilang sagot sa pusong lito
“Ikaw lamang” kantang nais kong sambitin at awitin
Iyong intindihin, ikaw lamang gustong makapiling
Ramdam mo ba aking mahal? Maging puso’y umaawit
Walang tulak kabigin, ang umamin o ang umawit
Sa pagshare nitong earphone, nais ko sa’yo iparinig
Awiting magdadala sa’yo ng mensahe at kilig
Pero nais ko ring sabihin, sa dami nitong kanta
IKAW ang himig na aking gusto sa pag-ibig na musika.
#TAGA-ILOG09 03/09/2015

BINABASA MO ANG
Bulong ng Damdamin #Wattys2015
PoetryMga tulang binubulong ng damdamin. Mga tulang nais sambitin, sa mga taong nais 'tong intindihin, lalo na sa taong aking mamahalin.