Simpleng Tula
Isang napakasimpleng tula para sa espesyal na babae
Basahin mo sana na galing sa napakasimpleng lalake
Isang lalakeng matagal lang namang inlab sa'yo
Humihingi ng konting oras sa tulang alay ko para lang sa'yo.Wala akong yamang maipagyayabang
Walang kotse maghahatid at masasakyan
Mukha pa'y di yung tipong nililingon pag dumaan
Porma ko pa'y yung tipong di mo hinahangaan.Pero kung minsan maisip mong pagod ka na
Isipin mo lang hindi ka nag-iisa
Asahan mong hindi kita iiwan
Basahin itong tula upang mapatunayan.Pero kung pipiliin mo na bigla akong layuan
Isusumpa kita at malakas na iiyakan
Pero kung titingnan mo ang aking kalooban
Ikaw pa rin ang nag-iisa nitong magiging laman.Hindi ko alam kung paano ko wawakasan
Hindi itong tula kundi ang aking nararamdaman
Kung araw-araw lagi na lang sa'yo natutulala
Ang simpleng lalaking may akda nitong tula.#TAGA-ILOG09 10-01-2015
Ito na po ang aking huling tula. Ang huling hirit. Isang simpleng tula, para isang espesyal na binibini. Salamat sa pagsubaybay ng kwento nitong torpeng makata. Hindi man malinaw kung anu ang katapusan ng aking kwento, isa lang ang malinaw... Sa ngayon, masaya ako. Hindi man ganun kasaya tulad ng mga nababasa natin na happy ending stories dito sa wattpad ... pero natutunan kong makuntento sa kung anu lang ang kaya nyang ibigay, at tanggapin ang mga bagay na hindi na mababago. Umiibig eh. =) olporlab.
BINABASA MO ANG
Bulong ng Damdamin #Wattys2015
PoesieMga tulang binubulong ng damdamin. Mga tulang nais sambitin, sa mga taong nais 'tong intindihin, lalo na sa taong aking mamahalin.