BOSES
Kung may boses lang ang hangin
Sa kanya ko na lang ipararating
Kung may boses ang basong nasa tabi
Sasabihin nya na sana ako ang 'yong nasa labi
Kung may boses ang unan sa gabi
Sasabihin nya na sana ako ang 'yong kayakap at katabi
Kung may boses lang ang panulat
Sasabihin nya na sana ako ang 'yong laging kasama at hawak
At kung may boses lang ako
Lahat ng 'to sa'yo ko na lang ididiretso
Pero sana, sa oras na ilabas itong tinig
Ikaw naman ang magkaroon ng pandinig
At kung maririnig itong mga sasabihinSana lahat ng ito ay dinggin
Sa aking mga mata'y ikaw ay tumingin
Sa panghabambuhay ikaw ang gustong makapiling.
#TAGA-ILOG09 02/12/15
BINABASA MO ANG
Bulong ng Damdamin #Wattys2015
PoetryMga tulang binubulong ng damdamin. Mga tulang nais sambitin, sa mga taong nais 'tong intindihin, lalo na sa taong aking mamahalin.