ADIK
Sa tuwina ito ang lagi mong tawag
Tuwing babanat ka wala na kong palag
Gusto ko lang naman na sa’yo’y maglambing
Pero sa’yong endearment walang kahambing
Minsan ako’y natatakot sa’yong tawag
Siguro’y paglalambing o pambabasag
Nakailang tawag ka na ba ng “adik”
Pagbigyan na ako, puso lang ay sabik
Di kaya PDEA ay hanapin na ko
Pwede bang sa puso mo ako’y magtago
Kung adik ako, kaw ang bawal na gamot
“Coz I can’t leave without you” ‘yan aking sagot
Adik na nga ba akong matatawag
Kung puso ko ikaw naman ang bumihag
Kung ika’y pulis sa’yo’y magpapahuli
Panghabambuhay gusto ko magpatali.
#TAGA-ILOG09 03/13/2015
BINABASA MO ANG
Bulong ng Damdamin #Wattys2015
PoesíaMga tulang binubulong ng damdamin. Mga tulang nais sambitin, sa mga taong nais 'tong intindihin, lalo na sa taong aking mamahalin.