LIGAW NA BATA

168 10 7
                                    

LIGAW NA BATA

Sa dalawang madilim at matarik na daan

Ako’y nakatayo at walang alam

Aling direksyon and dapat puntahan

Ako’y ligaw at walang patutunguhan

Mula sa likod ikaw ay tumawag

Ako’y tumapang at hindi naduwag

Hawak kamay sinuong ang daan

Sa puso ko, ikaw ang nagbigay liwanag at puwang

Puno ng liwanag pagdating sa dulo

Pero sa paglingon ikaw ay naglaho

Ngayon tila daig pa, isang ligaw na bata

Hindi ko alam, kahit daan ay kita na

Sa aking pagkatao tila may kulang

May isang tanong na ikaw ang kasagutan

Tsaka ko nalaman ako’y umiibig

Sa murang edad, kumabog ang dibdib.

#TAGA-ILOG09 02/26/2015

Para sa'yo munting binibini. :)

Bulong ng Damdamin #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon