KINALBURO
Lahat ng bagay may tinakdang oras
Huwag madaliin, baka sa bus stop lumagpas
Hintay ka lang. alam kong gusto mo na
Lahat ng minadali, resulta’y di maganda
Take it slow, iyon lamang aking payo
Si Hazel Faith nga sa kanyang awit nasabi ‘to
Patungo ka na doon, tiwala lang
Lahat ng nahinog, pinipitas sa anihan
May mga hilaw, gusto nang makuha
Sa bigasan nilagay, pinahinog ang bunga
Pero iyong tikman, tamis ay kulang
Ganun pag pinilit, kamalian ay asahan
Sa mura mong edad wag kang mainip
Di yung gagawin kung ano na lang ang maisip
Gusto mo ba na ikaw ay matalo
Sa laro ng buhay, at tawaging kinalburo?
TAGA-ILOG09 04/01/2015
BINABASA MO ANG
Bulong ng Damdamin #Wattys2015
PoesíaMga tulang binubulong ng damdamin. Mga tulang nais sambitin, sa mga taong nais 'tong intindihin, lalo na sa taong aking mamahalin.